“If you do what you’ve always done, you’ll get what you’ve always gotten.”
– Tony Robbins
I love hustling. Para sa ibang tao, ang pagkakaroon ng side hustle ay kakain lamang ng oras na dapat sana ay free time to enjoy o kaya naman ay time para magpahinga. Para naman sa akin, ang pagkakaroon ng side hustle ay pagkakaroon ng freedom mula sa araw-araw na trabaho at isa sa mga sources ng happiness. Feeling ko nga ay bahagi na ng buhay ko ang aking side hustle. Parang hindi kumpleto ang isang araw kapag hindi nakapaglaan kahit isang oras para sa side hustle.
Ano ba ang side hustle?
A side hustle is a job that you can work on top of your full-time job. It is a flexible second job that brings in money, but it is also typically something that you are passionate about, that you don’t get to pursue in your main job.
Maaaring hindi para sa lahat ang pagkakaroon ng side hustle, pero it’s worth trying. So, bigyan kita ng mga REASONS kung bakit kailangan mong magsimula ng isang SIDE HUSTLE.
#1 Additional source of income
Sino naman ang may ayaw magkaroon ng extra pera?
Para sa karamihan, ang income nila any nagmumula lang sa isang source. Iyan ay mula sa kanilang sweldo sa trabaho. I feel you, ganyang ganyan din ako noon. Then, dumating yung time na nagawa ko na lahat ng magagawa ko para mapababa ang gastusin ko monthly para mapagkasya ang sweldo. But it wasn’t enough.
♬♪♫ I did my best, but i guess my best wasn’t good enough… ♬♪♫
So, nag-decide ako na maghanap ng pwedeng gawing side hustle.
Sinimulan ko ang aking side hustle. Sinamahan ko na rin ng research, sakripisyo, hard work, pasensya at nasamahan na rin siguro ng kaunting swerte. At ngayon, kumikita na ng extra estimated $200+ monthly. Sa isang side hustle pa lang iyan. I am still working for more side hustles. Don’t worry, i-discuss ko iyan dito next time, so stay tuned.
#2 You can pursue your passion.
Actually, yung side hustle ko ay nagsimula lang talaga bilang isang hobby at passion. Nalaman ko lang na pwede naman palang pagkakitaan. Kaya ayun! Na-fulfill yung #1 (extra income).
Isa sa mga source ng satisfaction ang paggawa ng mga bagay na gustong gusto mong gawin. Yung passion mo nga. Hindi naman kasi puro pera-pera lang ang usapan. Iba pa rin yung you’re doing something you love and earn money from it.
Yung passion mo as a side hustle + side hustle as a source of income. Hindi ba ang saya niyan?
#3 Discover your passion.
Since napag-usapan na din naman ang passion, ituloy na natin. Alam mo, maswerte ang mga taong nakita kaagad kung ano ang passion nila. Kasi sa totoo lang, may mga taong hindi pa nila nahahanap ito. Baka isa ka sa kanila.
So, sa paghahanap o pagsisimula ng isang side hustle, baka ma-discover mo na kung ano ang passion mo. Ang payo ko lang, ay huwag kang matakot na magsimula ng bago. Huwag kang matakot mag-try ng ibang bagay. Explore. Hindi mo malalaman kung magugustuhan mo ba kung hindi mo masusubukan.
#4 Improve your skills.
Sa pagkakaroon ng side hustle, may opportunity kang ma-improve pa ang skill na mayroon ka. Pwedeng mas mag-improve ka pa sa skills na daily mo nang nagagamit sa trabaho. Or pwede rin naman na matuto ka ng ibang skill at syempre, mag-improve dito.
Ang isa pang maganda sa pagkakaroon ng side hustle, ay makakadiskubre ka ng mga bago mong skills. So hindi na ito simpleng usapang passion. Pwede kang makadiskubre ng skills na magbibigay sayo ng mas malawak na opportunity at pwedeng mas malaking income pa.
#5 Extra fund for your “wants”.
Kung ako ang tatanungin, mas magandang i-invest na lang sana ang mga kikitain mo mula sa iyong side hustle. Pero minsan, hindi naman masama na gawing motivation na makabili ng mga “small wants” mo.
Vacation? Pwede.
So, sa halip na ibabawas mo pa sa sweldo mo ang pag-iipon para sa bakasyon, pwedeng sa kita mula sa side hustle mo na lang kunin. Di ba?
#6 Reach your financial goals faster.
Naniniwala naman akong pwede mo namang ma-reach ang financial goals mo sa pagtatrabaho lang. Matagal nga lang. So, sa pagkakaroon ng side hustle, matutulungan kang mapabilis ang pag-abot mo sa mga financial goals mo. Gaya ng mga ito:
Provide money for your savings or emergency fund.
Yung pera na kikitain mo from your side hustle, pwedeng ideretso mo na agad sa savings mo. Or kung wala ka pang emergency fund, unahin mo na iyon.
Isa iyon sa mga priority goals ko ngayon e. Ang magkaroon ng emergency fund.
Payment for debts.
Isa rin sa mga goals ko ito. Ang maging utang-free. Hindi naman lahat ng utang ko ay bad debts pero ang utang ay utang pa rin na kailangang bayaran. At nakakatulong ang side hustle ko sa pagbabayad nito.
So, kung ikaw ay nahihirapan na sa paghahanap ng mapagkukunan ng pambayad utang, try mong magsimula na rin ng side hustle mo at gawing goal na rin ang pagiging utang-free.
Invest and grow your money.
Halos araw-araw ka nang nagtatrabaho para sa pera. Ngayon, baka panahon na para ang pera mo naman ang magtrabaho para sa iyo.
I-invest mo ang mga kinikita mo sa iyong side hustle. Maraming pwede. Bumili ka ng stocks, mutual fund, bonds, etc. Piliin mo kung alin ang magfi-fit sa needs mo. Pag-aralan mo at magtanong muna sa mga experts. At syempre, mag-ingat sa mga scammers. Baka kasi yung perang pinaghirapan mo ay sa halip na mas lumago, ay bigla na lamang maglaho.
Financial Freedom.
Ang ultimate goal ko talaga ay financial freedom. Hindi ko alam kung kailan ko makakamit pero makakarating ako doon. Slowly but surely. Ikaw din, pwede mo ring ma-reach yun.
Hindi ko sinasabi na hindi mo mararating ang financial freedom sa pamamagitan lang ng sweldo mula sa trabaho. Marami pa rin naman kasing factors, gaya na lang ng spending habit at savings rate. Pero gaya ng sabi ko kanina, mas matagal lang kapag umaasa ka sa isang source of income lang. So, sa pagkakaroon ng side hustle, may additional option ka lang.
Kung wala kang idea kung anong side hustle ang pwede, magbi-build ako dito ng list na pwede mong gawing side hustle. So, I suggest na mag-subscribe ka sa dito sa Pera Thoughts para sa mga updates.