First of all, maraming salamat kay Ms. Darrah for giving me a copy of her ebook entitled Juanderfulife: Minimalism For Pinoys. And DISCLAIMER lang, I received a free copy but I will be giving my HONEST review for her book.
Let’s begin.
Hindi na bago sa akin ang minimalism lifestyle. Actually, madami na akong nabasang blog, napakinggang podcasts, napanood na documentaries tungkol dito. May time pa nga na naisipan kong gumawa ng blog about minimalism pero hindi ko na naituloy kasi tinamad ako at nawalan ng kumpyansa sa sarili.
Anyways, sa book na Juanderfulife, ikinuwento ni Darrah ang kanyang mga pinagdaanan na nagtulak sa kanyang maging isang Minimalist. Sa first part pa lang, sobrang naka-relate na ako. Batang 90s e. Nalaman ko na lang din sa last part na magka-edad kami. So, same generation nga kaya relate na relate.
Binasa ko ang Chapter 1 habang nasa byahe ako papasok sa office. Maikli lang ang Chapter 1 pero since maikli langbdin ang byahe ko, sakto lang na natapos bago ako bumaba. Napaka-nostalgic lang kasi talagang parang naalala ko lahat ng mga bagay simula noong elementary pa lang ako. Napapangiti na lang bawat part na may maaalala.
Yung Chapter 2, itinuloy ko agad nang makaupo na ako sa pwesto ko. Sa chapter na ito naman, syempre, relate pa rin. Pero this time, hindi ako napangiti. May mga part na tumama at naluluha na lang ako. Mabigat lang sa feeling. So, huminto muna ako sa pagbabasa.
Chapter 3-5, binasa ko nung lunch break. Dito na yung mga parts ng struggles na nagtulak sa kanya na maging minimalist.
Diyan sa first half ng book, naipakita niya ang masasabi kong pagdami ng kanyang pera at mga ari-arian. Mula sa isang mahirap na pamilya, nagpursige, nagtrabaho at tumaas nang tumaas ang sweldo. Actually, nainggit nga ako sa sweldo e. Haha!
Then sa gabi, bago umuwi, nabasa ko ang Chapter 6-7. Sa part na ito, minimalist na siya. Ipinakita niya ang mga positive na epekto ng minimalism. Then same sa Chapter 8-9, na kinabukasan ko na nabasa. There are tips on how to be a minimalist and how to stay in that kind of lifestyle.
Since familiar ako sa minimalism, I expected na alam ko na kung ano ang mga magiging laman ng libro. Pero hindi pala. Iba’t iba ang minimalism para sa bawat tao. Pareho lang sa principle pero magkakaiba sa paraan dahil magkakaiba rin kasi ang pinagmulan.
Ano ang mga matututunan mo sa Juanderfulife: Minimalism for Pinoys?
- May iba pang way of life bukod sa pagbili nang pagbili.
- You can also find happiness by letting go.
- Hindi basehan ng success ang pagkakaroon ng maraming bagay.
- Ang pera ay hindi dapat ginagawang priority.
Sa pagkakasulat naman, may mga hindi ko sure kung typographical errors lang. Pero wala naman kasing editor ang book na ito. Self-published kasi ni Author. Inggit nga ulit ako e. Yung libro ko, hindi matapos-tapos.
Pero nakakabilib na nai-published ito ni Darrah nang siya lang. Hanga ako sa kanya. Very good job na ito para sa isang first-timer. May mga books nga akong nabasa na may editor na pero may mga sablay pa.
I hope, one day pwedeng mag-guest post dito si Darrah para more tips pa about mininalism.
Sana rin magkaroon ng printed copy ang book. Pag nagkaroon, ay bibili talaga ako at pramis, mamimigay din sa mga readers ng Pera Thoughts.
By the way, the ebook is available on her website, Juanderfulife.