Maraming tao ang naniniwala sa swerte. O sabihin na rin natin na marami rin ang mga taong umaasa sa swerte. Hindi ko alam ang dahilan pero sa palagay ko ay dala na rin ng kahirapan.

Doon sa amin sa probinsya, may mga kakilala ako na yung perang pambili na sana ng pagkain, itataya pa sa STL (Small Town Lottery). Umaasa na ang barya ay magiging malaking halaga. Umaasa sa swerte. Kapag tumama, edi blow out. Kapag hindi, e di itutulog na lang ang gutom o kaya iinom na lang ng maraming tubig.

Pero hindi naman lahat ay umaasa sa swerte. May mga tao rin naman na nagsasabi na tayo ang gumagawa ng ating kapalaran. Naniniwala sila na hindi kailangan o hindi makakatulong ang swerte para maging successful o umunlad sa buhay.

Masama ba ang maniwala sa swerte?

Sa aking opinyon o palagay, hindi naman masama ang maniwala sa swerte. Pero masama ang umasa sa swerte.


The harder I work, the luckier I get.


Samuel Goldwyn

Masama ang umasa sa swerte. Dahil ang swerte ay kailangang sinasamahan ng hardwork. Marami ang nagsasabi na hardwork lang ay sapat na. Pwede rin naman.

Pero marami ring mga masisipag na negosyante ang naniniwala sa swerte. Bumibili pa nga sila ng mga pampaswerte para raw lalapit ang pera o costumer.

Para sa akin, ang swerte ay parang positive thinking o parang law of attraction. Yung swerte mo, magma-manifest yan basta magsikap ka at magtyaga at maging masaya sa ginagawa mo.

Sa palagay ko, kahit puro hardwork ka, kahit matyaga ka, pero kung hindi ka masaya sa ginagawa mo, hindi magma-manifest sa iyo ang success. O hindi ka pa rin suswertehin.

Di ba? Kaya may mga tao na kahit masipag at masikap, wala pa ring success. Kasi, puro sila reklamo na mahirap. Pero ginagawa pa rin nila. Hindi sila nagiging masaya. Kaya kahit na masipag at masikap, hindi pa rin nagma-manifest ang success.

Hindi ko sinasabing tama itong sinasabi mo. At wala rin itong basehan na nasusulat. Base lang ito sa aking observation at opinyon.

Kayo? Ano sa palagay ninyo? Masama ba ang maniwala sa swerte?

error: Content is protected !!