Lahat tayo ay may iba’t ibang bagay na gustong pag-ipunan. May mga bagay na gusto nating bilihin o makamit sa pamamagitan ng pera. Pero mayroong mga bagay na mahalaga ay dapat talaga nating pag-ipunan. Ang mga bagay na ito ay mas mahalagang unahin kaysa sa kung ano pa man na dapat paglaanan ng pera.

Sabi nga ng iba, mas madali raw mag-ipon kapag may pinag-iipunan. Kumbaga, nakakadagdag kasi sa motivation kapag alam mong may target ka o may goal ka. Kapag alam mo kung ano ang pinag-iipunan mo, mas ganado kang mag-ipon.

May list ako dito ng mga bagay na mahalagang unahing pag-ipunan.

Mga Bagay Na Dapat Mong Pag-ipunan

Emergency Fund

Para sa akin, pinakamahalagang unahing pag-ipunan ang emergency fund. Kumbaga, emergency fund is a must. Marami kasing mga emergency na bagay ang biglaan na lang nangyayari na mangangailangan ng pera. So, mas mabuti na mayroon kang nakahandang pera para dito.

Hindi kasama dito ang biglaan na nagkayayaan na mag-outing ang tropa ha? O kaya naman biglaan nagkaroon ng SALE ang paborito mong brand.

Magkano ba dapat ang emergency fund?

Basically, depende iyan sa kung magkano ang normal na gastos mo. Alamin natin yan sa ibang post, abangan.

Education

Dito sa Pilipinas, napakalaki ng discrimination pagdating sa education or kung ano ang natapos. May mga companies na nakatingin sa pangalan ng school at iba pa. At mahal ang mag-aral sa may pangalang School or College or University dito. As in gagastos ka nang malaki.

Ibahin na lang natin. Let’s say na learning of new skills na lang or going to skill improvement. Syempre, gastos pa rin ang resources. Pwede kang umattend ng training or mag-enroll ng online course. Syempre, gastos ulit.

Self-study? Pwede naman para makatipid. Pero gagastos ka pa rin sa resources gaya ng books, etc. Pero sabi ko nga, nakatingin sila sa diploma mo. Nakatingin sila sa certificate mo. Ija-judge ka nang hindi pa nakikita ang skills mo.

Halimbawa, sa akin na lang. Self-study lang sa personal finance. I am doing my best para maging financial literate. Ang mga resources ko ay mga books, online cources, groups. Tapos nagsimula ako ng blog about personal finance? Hindi ko lalahatin pero mayroon dyan na magsasabi na “Bakit ba ako maniniwala sa taong ito e wala naman itong formal education about finance?”

Kaya naman, in the future, may plan din naman ako na mag-try makakuha ng certification. Hindi pa lang sa ngayon as of writing this.

Magsimula ng Business

Isa sa mga pinag-iipunan ng karamihang gustong makawala sa pagiging empleyado ay ang puhunan para makapagnegosyo. Either makawala nga sa pagiging empleyado or part-time negosyante. May pandagdag man lang sa kinikita.

Investment

Bukod naman sa negosyo, para mapalago ang pera, nag-iipon ang iba para makapag-invest. Mas maagang pagsisimula sa pag-i-invest, mas mabuti dahil mas malaki ang magiging pera mo. Sabi nga nila, pagdating sa investment, hindi mo talagang kakampi ang malaking halaga. Dahil mas kakampi mo ang oras o panahon.

Nanghihinayang nga ako e. Natutunan ko lang ang mga bagay tungkol sa investment ngayong nasa trenta na ako. Akala ko kasi noon ay ang pag-i-invest ay para lang sa mga mapepera. Mali pala. Kahit maliit na halaga lang pala ay pwedeng i-invest.

Kung interesado kang mag-invest, pwede ka naming tulungan. Sign up ka lang gamit ang form dito >> . Then kontakin ka namin.

Insurance

Marami ang hindi nakaka-appreciate sa insurance kasi inaakala ng iba na para bang pinaghahandaan na kaagad ang kamatayan. Ganito rin ang pananaw ko noon. Well, pwedeng tama. Pero hindi naman ibig sabihin na kailangan mong patayin ang sarili mo. Kumbaga, sinisigurado mo lang na okay ang iyong mga iiwanan.

Kadalasan naman sa iniisip ng iba ay paano naman kung walang nangyaring hindi maganda? May mga insurance naman na may living benefits. May makukuha ka kung sakaling walang nangyari sa iyo. Ito yung tinatawag nilang VUL o Variable Universal Life Insurance. Habang insured ka, nag-i-invest ka na rin. Pwede kang mag-inquire sa amin tungkol sa VUL kung gusto mo. Or pwede mo rin gamitin ang form na ito >> , then kami ang kokontak sa iyo.

Sariling Bahay

Nakakasawang mangupahan, sa totoo lang. Kahit sabihin ng mga eksperto na hindi magandang investment ang bahay ay okay lang. Iba pa rin kasi yung may sarili kang bahay. Iba yung freedom. Hindi mahalaga ang malaking bahay. Sapat na yung maliit at simple. Pero kung nangangarap ka ng malaking bahay, wala naman masama doon. Basta may pera ka at hindi ka malulubog sa utang.

Vacation or travel

Sino bang ayaw mag-travel? Or sino bang ayaw magbakasyon? Di ba ang sarap magpunta sa lugar na may magandang view at nakaka-relax? Pero mas masarap sana yan kung may pera ka. Yung tipong hindi ka na mangungutang para lang makapag-travel o makapagbakasyon. Mahirap naman yung nag-travel ka nga at nagbakasyon, pero pagbalik mo, problema mo naman ang pagbabayad ng utang.

Financial Freedom

This is my ultimate goal. Malamang kayo rin. Sino ba naman ang may ayaw na umabot sa state na hindi mo na poproblemahin ang kawalan ng pera? O yung tipong hindi mo na kailangan ng pera kasi alam mong sapat na. Hindi sapat ang pag-iipon lang para makamit ang financial freedom. Kailangan ay may iba pang source of income at nag-i-invest din.

Retirement

Kasama na sa financial freedom ang retirement. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na magtatrabaho pa kapag matanda na ako. Napakahirap ng ganoon. Mahirap din naman umasa sa mga anak. At sabi nga, huwag na huwag gagawing retirement plan ang mga anak.

Lahat tayo ay papunta sa pagtanda. Ayoko naman na kapag matanda na ako ay pagsisisihan ko ang hindi paghahanda para sa retirement.

Ikaw? May iba ka pa bang mahalagang pinag-iipunan?

“A prudent person foresees danger and takes precautions. The simpleton goes blindly on and suffers the consequences.” —Proverbs 27:12, NLT.

error: Content is protected !!