Ilang taon na rin ang nakaraan nang mauso ang online shopping. Pero alam mo ba na ang market nito ay halos nagsisimula pa lang mag-boom dito sa Pilipinas? Kaya naman kung nagbabalak kang magsimula ng isang online shop o magbenta lang online, ay masasabi kong magandang idea ito. Ang next question na lang doon ay, “ano ang iyong ibebenta?”
Actually, marami. Marami kang pwedeng ibenta online. Mahirap isa-isahin talaga. Pero don’t worry dahil magbibigay naman ako ng ideas.
Let’s begin!
Mga Bagay na Pwede mong Ibenta Online:
#1 Digital Products
Sa palagay ko, ang mga digital products ang pinakamadaling ibenta online. Bakit? Kasi ang mga digital products ay hindi mo mabibili sa kahit saang physical store. So, walang ibang paraan para bumili nito kundi ONLINE.
Ano ba ang mga digital products?
- eBooks – Ito yung pinakasikat na digital product. Pwede kang magsulat ng sarili mong e-book kung ikaw ay may talento sa pagsusulat or ito ang iyong profession or pwede rin naman na mag-hire ka ng magsusulat ng e-book then ikaw ang magbebenta.
- Images – High quality, unique images. Kaya kung ikaw ay isang photographer, pwede mong ibenta online ang mga kuha mo. Pero hindi mo naman kaiangang maging isang professional photographer kasi pwede ka rin magbenta ng mga sariling image na ikaw ang gumawa.
- Music – Syempre, kung ikaw ay may talent sa pagkanta o pagtugtog ng kahit na anong instrumento, pwede mong pagkakitaan ito. Gaya ng ibang recording artists, pwedeng pwede. So, let your music be heard and earn from it.
- Videos – Funny videos, inspirational videos, viral videos, at iba pa. Usong uso ito lalo na sa panahon ngayon ng social media. May mga company na bumibili ng original videos.
- Courses – Video courses or web courses. Kung may isang bagay na master mo, bakit hindi ka gumawa ng isang course tungkol dito at pagkakitaan mo ito. Ibenta mo online.
- Computer software – computer applications, mobile apps, games. Ito naman ay para sa mga computer programmers or mga developers na may kakayahang mag-develop ng arili nilang apps or games.
- Website – Sa panahon ngayon, parang required na sa isang business ang magkaroon ng website. Pwede kang gumawa ng website at ibenta ito sa kanila.
- Social Media Accounts or Pages – Yes, may mga company or individual na bumibili ng social media pages or accounts. Syempre, dapat ay maraming likes at followers.
#2 Services
May mga bagay na kaya mong gawin na hindi kayang gawin ng ibang tao. Or sabihin natin na wala na silang panahon na gawin ang isang bagay kahit na kaya naman nilang gawin ito. Sa mga ganitong pagkakataon, nagha-hire na lang sila ng ibang tao na pwedeng gumawa nito para sa kanila. Kaya nga nauso ang pagiging online freelancer. Pwede mong ibenta ang iyong serbisyo sa kanila online. Pwede kang mag-post online baka may naghahanap ng talent na mayroon ka or sa mga groups. Mayroon ding mga websites para dito gaya ng Upwork, 199jobs, raketPH, at iba pa.
#3 Physical Products
Ito na yung mga products na karaniwang alam na natin:
- Handmade Goods
- Clothing
- Electronics and Gadgets
- Health and Wellness Products
- Beauty Products
- Jewelry
- Accessories
- At marami pang iba.
Ngayon, kung balak mo naman gawing career ang pagiging online seller, maipapayo ko na pumili ka ng isang niche o focus mo sa pagbebenta. Halimbawa, focus ka lang sa pagbebenta ng gadgets. Mas madali kasi kung may focus ka. At marami pang mga advantages. Talakayin natin yan sa ibang post.
So, ano sa palagay mo? Kaya bang magbenta online? Share mo sa comment kung anong product ang naiisip mo.