premyo bond

Mag-INVEST at MANALO ng ₱1 MILLION sa Premyo Bonds

31 Shares

Sa halagang ₱500, pwede nang magsimulang mag-invest sa government securities. At kung maswerte ka, pwede kang manalo ng ₱1 MILLION sa raffle. Gustong gusto pa naman nating mga Pinoy ang raffle, di ba?

Ang tinutukoy natin dito ay ang Premyo Bonds ng Bureau of Treasury, kung saan pwede kang mag-invest ng minimum of ₱500. Pinababa nila ang minimum sa ₱500. Dati kasi ay ₱5,000 iyan. Para makaakit ng maliliit na investors o sa mga ordinaryong mamamayan.

Ang iyong ₱500 ay makakabili ng isang Bond unit. So, kung mag-i-invest ka ng ₱10,000 ay magkakaroon ka ng 20 Bond units. Sa 3% interest, ang ₱10,000 mo ay kikita ng ₱240 sa loob ng isang taon. Di hamak na mas malaki kesa iiwan mo sa bangko or time deposit. Katumbas rin ng isang bond unit ay isang raffle entry na may tsansa na manalo ng tumataginting na ₱1 MILLION. Kaya kung mayroon kang 20 bond units, mayroon ka ring 20 entries na gagawin quarterly.

Available lang ito mula November 25, 2019 hanggang December 13, 2019. Kaya kung interesado ka, mag-decide ka na agad.

Mag-invest sa Premyo Bonds in 3 Easy Steps thru BANK

Makikita rin ang kumpletong info tungkol dito sa website ng Bureau of Treasury.

#1 Mag-INQUIRE sa Bangko

Punta ka sa pinakamalapit na bangko sa inyo. Magtanong ka if nag-o-offer sila ng Premyo Bonds. Pwede mong gamitin ang iyong bank account para makasali o pwede ka rin mag-open ng bago kung gusto mong nakahiwalay.

#2 Mag-FILL OUT ng FORM

Bibigyan ka ng mga kailangang form. Fill out mo lang at magpasa ng mga kaukulang requirements.

#3 Magbayad

Magbayad ka na kung magkano man ang nais mong i-invest. Minimum of ₱500. Kada quarter, papasok ang interest na kikitain ng investment mo sa iyong bank account.

Bukod sa Bangko, pwede ka rin mag-invest ONLINE!

Premyo Bonds ONLINE

#1 Punta ka sa www.treasury.gov.ph

Basahin ang mga detalye tungkol sa Premyo Bonds. Kapag ready ka na, i-click mo ang Ready to Order.

#2 Accomplish the Ordering Form

I-fill up mo ang mga kailangang info sa mga forms online. Then pumili ka ng settlement bank kung saan ka magbabayad then, Agree to terms and conditions.

#3 Magbayad

Mag-login ka sa online facility ng bank na napili mo at magbayad. ZERO transaction fee ito. Sulit!

#4 Proof of Investment

Kapag successful ang iyong pagbabayad, pwede mong i-print ang transaction slip para ito ang magiging Proof of Investment mo sa Premyo Bonds. Makakatanggap ka rin nito sa iyong e-mail.

Tandaan, hanggang December 13, 2019 lang ito. Kaya ano pang hinihintay mo? Invest na!

For more info, visit https://www.treasury.gov.ph/premyobonds/

31 Shares

Leave a Reply

error: Content is protected !!