Pagpasok mo sa edad 20s, maraming first time kang pwedeng mae-encounter: first job, first business, first self-earned money, first major failure. Adulting, ika nga nila. Pero wag kang matakot sa failure, kahit na major failure pa yan, dahil ang failure ay isang petmalu na teacher.
Gaya rin ng sinasabi ng karamihan or ng mas nakakatanda, hindi ka na teenager. Dapat ay mas maging independent ka na sa paglipas ng panahong ito. Kailangan mo nang mabuhay nang sa sarili mo lang – magrenta ng sarili mong tirahan, magluto ng sarili mong pagkain, maka-survive sa sarili mong mga problema, at mag-budget ng sarili mong pera.
Ako, bilang nasa edad 30s na, ay aminado na mahirap ang transition from being a teenager patungo sa 20s or being young adult. Pero walang magagawa. Ang kailangang pagdaanan ay kailangang pagdaanan. Pwede mong gawing fast and furious and transition mo at pwede rin namang slowly but surely. Nasa iyo naman yan. Ang mahalaga ay matutunan mo.
3 Bagay na Mahalagang Matutunan ng mga Nasa Edad 20s
Mag-ipon at gumawa ng budget.
Ang kailangan mo talaga dito ay ma-develop mo ang habit ng pag-iipon. At magagawa mo yan sa tulong na rin ng paggawa ng budget. Mamo-monitor mo kasi ang gastos mo, mapapababa mo ang gastusin at makakaipon ka.
Napakahalaga nito sa edad 20s. Actually, kung pwede nga sanang teenager pa lang ay matutunan na ito eh. Mas maaga, mas okay. Pero since hindi nga natuto noong teenager pa lang, kailangang matutunan kapag nasa 20s na. Huwag niyo akong gayahin na kung kailan nasa edad 30s na, saka pa natuto. Napakahirap!
May mga apps na pwedeng makatulong. Pwede ring gumamit ng Excel. Hindi rin kailangang kumplikado. Simpleng budget or kahit listahan lang ay ayos na. Ang mahalaga lang ay alam mo kung saan napupunta ang pera mo.
Maging matalinong mamimili.
Parang napaka-nanay ng term, di ba? Pero sa panahon kasi ngayon, halos kahit anong bagay ay ilang clicks lang ang kailangan ay pwede mo nang mabili. Napakadali na lang ang gumastos. Kaya kailangang maging matalino.
May mga bagay na alam nating mahalaga pero hindi natin kailangan. So, hindi lahat ng mahalaga ay dapat bilihin. Dito na papasok ang pag-alam sa “needs” at “wants”. Naniniwala ako na hindi masamang bumili ng “wants”. Basta huwag lang mas uunahin pa ito kesa sa “needs”.
Magsimulang mag-invest.
Kakasimula pa lang na kumikita, mag-iinvest na kaagad? Yeah! Yun nga. Pagdating sa investment, mas maaga, mas maganda. Bakit? Dahil sa power of compounding. I-discuss natin iyan sa ibang post.
Alam niyo, ito ang isa sa mga pinagsisisihan ko. Yung hindi ako nag-invest. Natakot kasi ako. Una, sa presyo. Pangalawa, wala akong alam. Yan ang mga pagkakamali ko at malamang ay pagkakamali rin ng karamihan.
Para sa una, hindi naman pala malaking pera ang kailangan para mag-invest. Well, masasabi kong kasalanan din ito ng taong nag-alok sa akin ng investment. Haha! Ginawan kasi ako ng proposal na malaki ang monthly payment nang hindi man lang sinabi sa akin na pwede naman palang bawasan at i-personalized based sa needs ko.
Basta, learn to invest. Maraming klase yan. At syempre, idi-discuss natin dito sa ibang araw. So, just keep on visiting para updated ka or subscribe via social media accounts namin or email.
Alisin lang ang takot. Kasi hindi mo pagsisisihan ang output nyan. Pero kung hindi mo pag-aaralan at hindi mo susubukan, iyan ang pagsisisihan mo kapag nasa 30s ka na or nasa 40s ka na. Nasa huli ang pagsisisi, tandaan mo yan.