financial freedom
Dito sa Pera Thoughts, I will share articles, tips, tricks, hacks na makakatulong para madagdagan ang inyong kaalaman sa tamang paghawak o pagkontrol ng pera.

Naniniwala ako na napakalaki ng role at impact ng pera sa buhay ng tao. May positive, at may negative. Kung matututunan natin ito, mas mabibigyan natin ng focus ang positive impact ng pera sa ating buhay at hangga’t maaari ay maiwasan o malabanan ang mga negative impacts.

Goal ng Pera Thoughts na makatulong sa pagpapalaganap ng Financial Literacy. Hindi ako expert, pero naniniwala naman ako na hindi kailangang maging expert para makatulong sa pagpapalaganap ng Financial Literacy. Nakakasawa lang kasing maging mahirap. At wala naman ibang paraan para makawala sa kahirapan kundi ang pagiging Financial Literate.

Financial Literacy patungo sa Financial Freedom.

At ano naman itong Financial Freedom?

Ang Financial Freedom ay ang estado ng buhay kung saan mayroon ka nang kalayaan mula sa pera. Hindi mo na iisipin pa kung saan ka kukuha ng pambili ng bigas at ulam dahil sagana ka. Hindi mo na iisipin pa kung saan ka maghahanap ng trabaho para kumita ng pera dahil may sapat kang naipon. Hindi mo na iisipin kung saan at kanino ka mangungutang kapag may mga emergency dahil alam mong handa ka.

Mahalaga ang pera. Pero hanggang kailan mo balak magtrabaho?

So, nakapag-isip ka na ba? Kung “oo”, malamang ay ready ka na ba para makamit mo ang pinapangarap mo na Financial Freedom. Tara!


START HERE!    OR    Browse The Blog