Hi! I’m Kris and welcome to my personal finance blog, Pera Thoughts.
Sinimulan ko ang Pera Thoughts, kasi wala akong pera. I mean, walang ipon. Sinimulan ko ang blog na ito para pwersahin ang sarili kong pag-aralan ang pagma-mamanage ng pera at isabuhay ang mga lessons na matututunan ko at ilalaman dito. At, syempre, para mai-share ang mga natutunan ko.
Nagsimula ang Pera Thoughts bilang isang Facebook page. Nahilig kasi akong mag-browse ng mga pages na may kinalaman sa pagma-manage ng pera. Nahilig na rin tuloy akong mag-post ng mga images na related sa financial management. At isa pa, gusto ko kasing i-share kung ano ang mga natututunan ko pagdating sa pera.
Then, lumipas ang ilang months, parami nang parami ang likers at followers. Natuwa naman ako na nagugustuhan nila ang mga pino-post ko. So, naisip ko na mag-start na ng blog. Para mas makapag-share pa ako ng mga learnings ko.
The name Pera Thoughts, kasi kung ano ang laman ng page at nitong blog ay mga pananaw ko about money. Thoughts, ideas, views, etc.
Ano ang goal ko? Financial freedom. Paano? Well, it’s gonna be a journey. Pwedeng malayo, pwedeng sakto lang. Kaya naman, I am inviting you to join me on this journey. Tara!
Pera Thoughts
Ang blog na ito ay maglalaman ng aking mga experiences dito sa journey patungo sa financial freedom. Ilalaman ko dito ang aking mga matututunan sa mga librong aking mababasa. Ganoon din ang mga totoong mararanasan.
Hindi lang puro tagumpay ang magiging nilalaman nito dahil isasali ko rin ang mga kabiguan o failure. Bakit pa? Kasi alam kong sa failure ako mas may natutunan at gusto kong maibahagi iyon sa inyo.
Alam kong marami nang blogs at libro tungkol sa personal finance, money management, etc. So, bakit pa ako gumawa ng isa pa? Pampadagdag lang? Hindi. Karamihan kasi sa makikitang libro o blogs ay nasa wikang english. Kaya naman naisip kong gumawa sa tagalog o tag-lish. Bukod sa hindi ako magaling mag-english, alam kong marami akong matutulungan at mas maraming masang Pilipino ang mararating ng blog na ito.
Social Media Accounts
Contact
Pwede niyo kaming ma-contact using our contact form via this link – Contact.