Para sa mga working parents, baka isipin n’yo na dagdag trabaho lang ito. Parang delubyo na, ‘di ba? Mas kaunting tulog, mas kaunting oras sa pamilya? Pass muna! Pero paano kung sabihin ko sa inyo na ang pagkakaroon ng home-based raket ay makakapagbigay sa inyo ng mas maraming oras kasama ang pamilya?
Makinig kayo, kasi posible ito – at ang sikreto ay work smarter, not harder. Ang isang successful na home-based raket ay makakapagdala ng overflowing benefits para sa iyong pamilya, magkakaroon ka ng flexibility, mababawasan ang stress, at sa huli, mas present ka na kasama ang mga loved ones mo.
4 Paraan Kung Paano Magkaroon Ng Mas Maraming Family Time with a Home-based Raket
#1 Build Flexibility into Your Schedule
Ang pagkakaroon ng home-based raket ay hindi instant freedom lalo na kung nagsisimula ka pa lang. But in the long run, kaya nitong i-unlock ang pagkakaroon mo ng mas flexible na oras para sa trabaho. For now, okay na okay lang kahit may full-time job ka. Yung raket mo, ilagay mo lang sa mga oras na free ka. Yung maliit na oras na maiibigay mo sa raket mo, malaking bagay na yan para sa future mo. At yang oras na yan magiging family time din sa lalong madaling panahon.
#2 Maximize Your “In-Between” Moments
Ilang oras yung nauubos mo sa pagko-commute araw-araw? Isang oras? Dalawang oras? What if gamitin mo ang raket mo bilang paraan para mabawi ‘yung mga “in-between” moments gaya niyan? Naghihintay habang nasa extracurricular ang anak? Imbis na mag-scroll sa social media, gumawa ka ng post para i-promote ang raket mo. Break time? Tamang-tama yan mag-research ng mga bagong clients. ‘Yung mga maliit na sandaling ‘to, malaking impact nyan sa raket mo at sa future mo.
#3 Reduced Stress = Happier Parent = Happier Family
Nakaka-stress talaga ang mga financial worries, budget na laging bitin. Plus nandyan pa yung hindi ka masaya sa trabaho mo, burnout talaga ang aabutin mo. NAKAKAPAGOD! Ang home-based raket mo ang magbibigay ng sense of control sa iyo. Magkakaroon ka ng dagdag income o kaya naman ay passion project mo na magpapasaya sa iyo na siguradong makakabawas sa stress. Makakapagbigay din yan sayo ng emotional space, mas malaking happy space para sa family.
#4 The Long Game: More Freedom, Less Grind
Ang successful na home-based raket ay nangangailangan ng trabaho sa umpisa. Pero ang goal mo ay bumuo ng isang sustainable na bagay na magreresulta sa mas maraming oras para sa mga family outings eventually. At malay mo, ito na rin ang tulay para iwan mo na ang full-time job mo at mag-focus na lang sa pagpapalago ng home-based raket mo into a family business.
Real Talk: Hindi Ito Magic
Ang pagkakaroon ng home-based raket ay hindi magic solution na bubura sa lahat ng iyong time constraints. Magkakaroon ka ng busy seasons at late nights. Pero, kung strategic ang approach mo, kayang-kaya nitong magkaroon ng bagong balance in ways na makakabuti sa buhay pamilya mo.
Handa ka na bang tuklasin ang mga possibilities? Ang eBook ko, “Kita Kits sa Bahay: Home-based Raket Para sa Busy Parents“, ang roadmap mo. Alamin kung paano ka makahanap ng tamang Home-based Raket, paano sulitin ang oras mo, at bumuo ng isang bagay na magpapalakas pareho sa iyong mga pangarap at precious moments kasama ang pamilya.