Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Umaasenso At Ano ang Pwede Mong Gawin Para Baguhin Ito

0 Shares

Sino ba naman ang ayaw umasenso sa buhay? Lahat naman tayo ay nangangarap na may marating sa buhay, umasenso at makaranas ng kaginhawahan.

Alam mo? hindi yan imposible. Pero sa ilang mga kadahilanan, ang pangarap mong pag-asenso ay pwedeng manatiling pangarap na lang.

May mga dahilan kung bakit hindi ka umaasenso. Pero wag kang mag-alala dahil mayroon ka namang pwedeng gawin para mabago yan.

Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Umaasenso At Ano ang Pwede Mong Gawin Para Baguhin Ito

Simulan na nating alamin ang mga dahilan kung bakit hindi ka umaasenso at ano ang pwede mong gawin para baguhin ito.

#1 Tamad ka.

Walang taong tamad ang umaasenso sa buhay. May nakilala ka na bang mayamang tao pero tamad? Wala naman di ba?

Ngayon, tatanungin kita. Tamad ka ba?

Alam mo, lahat tayo ay dinadaanan talaga ng katamaran. Pero dapat, yang katamaran na yan ay dumadaan lang. Hindi yan dapat nagtatagal. Kasi kapag nagtagal yan, nagiging habit na yan. Isipin mo na lang kung maging habit mo ang katamar’an. Magpaalam ka na sa mga pangarap mo kapag ganyan.

Marami ring dahilan kung bakit tayo tinatamad. Mayroon ako ditong list ng apat na dahilan kung bakit ka tinatamad at ano ang pwede mong gawin para baguhin ang mga ito.

Un, kulang ka sa motivation.

Naniniwala akong may natatago kang sipag. Kulang ka lang sa push. Kulang sa tulak. Kulang sa motivation. Kapag ganito, subukan mong manood ng mga motivational videos para ma inspire ka. Kumbaga, kailangan lang na magkaroon ng apoy sa puso mo para magkaroon ka ng sipag para sa pangarap mo.

Pangalawa, takot ka sa failure.

Minsan, kaya ka tinatamad kasi takot kang pumalpak. Kapag pumalpak ka, mapapahiya ka. At syempre, ayaw mo yung pakiramdam nang napapahiya. At dyan na papasok ang katamaran. Dahil sa takot mo sa failure, tatamarin ka nang gawin yung bagay na kailangan mong gawin para umasenso.

Alam mo, part ng buhay ang failure. Kailangang matanggap mo sa sarili mo ito. Normal lang ang mag fail. Dahil dito ka matututo. Basta siguraduhin mo lang na sa bawat failure mo ay may natututunan ka. Sayang naman yung experience kung wala kang natutunan.

Pangatlo, nalulula ka sa taas ng pangarap mo.

May mga nagsasabi na huwag ka raw mangangarap nang mataas kasi baka hindi mo yun maabot. Ikaw naman na mataas ang pangarap, maiisip mo nga na baka nga hindi mo maabot ang pangarap mo kasi sobrang taas.

Walang masama sa pangangarap nang mataas. Mabuti pa nga yan. Baka nalulula ka nga lang. Kapag ganito, mas makakabuti kung hatiin mo sa maliliit na goals ang pangarap mo. 

Ganito. Ang pangarap mo ang ultimate goal mo. Mataas talaga yan at mahirap abutin. Ngayon, hatiin mo ang ultimate goal mo sa maliliit na goals. Magsisilbi ang mga itong hagdan mo para maabot mo ang iyong ultimate goal. Gawin mo lang itong one small goal at a time. Mas achievable at realistic na itong ganito. Maganda rin kasi makikita mo ang progress mo. Kapag ganito, hindi ka na malulula sa taas ng pangarap mo kasi makaka focus ka sa mga small goals mo.

At para sa pang apat na dahilan kung bakit ka tinatamad. Hindi mo gusto ang ginagawa o trabaho mo.

Minsan pumapasok tayo sa trabaho na hindi natin talagang gusto dahil sa malaking pangangailangan sa pera. Maraming tao ang ganito. Dahil sa pangangailangan, papasukin ang trabahong hindi nila gusto. Nakakatamad talaga kapag ganito.

Ikaw ba? Tinatamad ka ba kasi hindi mo gusto ang ginagawa o trabaho mo?

Kung oo ang sagot mo, huwag mo namang basta iiwan ang trabaho na hindi mo gusto kung wala kang ibang pagkukunan ng ikabubuhay mo. Sa halip, magkaroon ka ng side hustle. At sa pagkakataong ito, siguraduhin mo na ang magiging side hustle mo ay yung trabahong gusto mo.

Kapag ganito ang ginawa mo, magkakaroon ng panibagong sigla ang buhay mo. Dahil magiging masaya ka sa side hustle mo, mahahawa na rin dyan ang trabaho na kinatatamaran mo. Pagbutihan mo rin sa side hustle mo para pag dumating yung panahon na mas malaki na ang kinikita mo sa side hustle mo, pwede mo na itong ipalit sa trabaho mo.

Yan ang apat na posibleng dahilan kung bakit ka tinatamad. Nariyan na rin ang mga paraan para tulungan kang baguhin yan. 

Balik na tayo sa iba pang dahilan kung bakit hindi ka umaasenso at ano ang pwede mong gawin para baguhin ito. 

#2 Hindi ka nauubusan ng excuses.

Alam mo ba yung kasabihan na kapag gusto, may paraan. Kapag ayaw, maraming dahilan. Ito yun. Hindi ka aasenso kapag hindi ka nauubusan ng dahilan. Kung totoong gusto mo talagang umasenso, hahanap at hahanap ka ng paraan. Kahit na sangkatutak pa ang mga excuses, hahanap ka ng isang paraan para lang sa katuparan ng pangarap mo. Para sa pag-asenso ng buhay mo.

Alam mo ba na sa tuwing magpapatalo ka sa excuses mo, ikaw mismo ang gumagawa ng problema. Kasi gumagawa ka ng dahilan para hindi ka umasenso.

Kung ganyan ka, kailangan mong baguhin agad yan. Don’t worry! Kayang kaya mo yan. Bawasan mo ang overthinking. Siguro kasi ay sobra mo nang pinag-iisipan ang mga kailangan mong gawin. Nao-overwhelmed ka na. Kumbaga, harapin mo ang problema, one problem at a time. Kapag ganyan, mas makakapag-isip ka ng maayos at alam mo sa isip mo na kayang kaya mo yang gawan ng paraan. At sa ganyan, hindi ka na gagawa ng iba pang dahilan. 

#3 Masyado kang umaasa sa iba.

Magaan ang buhay kapag may tumutulong sa iyo. Pero baka naman masyado ka na lang umaasa sa tumutulong sa iyo. Hindi na maganda yang ganyan. Asa sa magulang, asa sa kamag-anak, asa sa gobyerno.

Karamihan sa mga palaasa ay nakakampante ang loob nila kasi alam nilang may aasahan sila. Parang ayaw na nilang kumilos kasi alam nila na hindi sila pababayaan ng taong inaasahan nila.

Hindi porke may tumutulong sa iyo ay aasa ka na lang nang aasa sa kanila. At isa pa, hindi rin habangbuhay ay nariyan sila para tumulong sa iyo. Baka kasi hindi mo pa alam nagiging pabigat ka na rin sa kanila. May sarili rin silang buhay. Kaya ikaw mismo, tulungan mo rin ang sarili mo at huwag puro asa na lang.

Paano mo naman matututunan na huwag umasa sa iba?

Una, magtiwala ka sa sarili mong kakayahan. Lahat tayo ay may kanya kanyang kakayahan na bigay ng Diyos sa atin. Gamitin mo ang kakayahan na yan. Pagyamanin mo. At malay mo, iyan din ang magpapayaman sa iyo. Tandaan mo, pinagkatiwalaan ka ng Diyos sa kakayahan mo, kaya magtiwala ka rin sa sarili mo. Saka sa sobrang asa mo sa iba, nasasayang lang ang kakayahan at talentong pinagkaloob sa iyo.

Pangalawa. Lakasan mo ang loob mo. Huwag kang matakot na malugmok. Sabi nga sa isang kasabihan, when you hit rock bottom, the only way is up. Oo, makakaranas ka ng hirap at pwedeng mag-fail ka. Pero part yan ng buhay. Kailangan mong pagdaanan yan para matuto ka. 

Ang good news dyan, habang natututo ka at nagkakaroon ng iba’t ibang experience, mas gumagaling ka at tumatatag. Kakayanin mo yan nang hindi umaasa sa iba.

#4 Ayaw mong matuto ng bago.

Lahat ng bagay sa buhay ay napapag-aralan. Lahat ng skill ay pwedeng matutunan. Gaya na lang noong bata ka pa. Nag-aral at natuto kang maglakad, magsalita, magbasa, at magsulat. 

Ganyan din kapag adult ka na. Kung gusto mong umangat at umasenso, huwag kang magpapawala ng kagustuhang matuto. Dapat palagi kang natututo ng bago o kaya naman ay nagiging master sa paggawa ng isang bagay.

Sa bilis ng takbo ng teknolohiya ngayon, kung hindi mo pag-aaralan, maiiwan ka ng panahon. Isipin mo na lang ito. Kapag may bagong teknolohiya, mayroon ding bagong opportunity para kumita, may bagong opportunity para umasenso. Kaya huwag mong hayaan lumampas na lang nang lumampas ang bawat opportunity.

#5 Takot kang mabigo.

Nakakatakot naman talaga ang ma bigo. Masakit kasi sa feeling.

Minsan malulugmok ka nang sobra. Pagtatawanan ka. Kukutyain ka.

Walang may gusto ng ganyan. Pero tanungin mo ang sarili mo. Hindi ka na lang ba kikilos dahil sa fear mo sa failure? Hindi mo na ba gugustuhing umasenso dahil takot kang ma bigo? Hahayaan mo na lang bang lamunin ka ng fear na yan?

Kung nakakalamang ang kagustuhan mong umasenso, magpatuloy ka lang sa panonood ng video na ito at ganito ang gawin mo.

Una, tanggapin mo sa sarili mo na kasama sa kagustuhang magtagumpay ang pagkabigo o failure. Dahil ang bawat failure ay nakakatulong para palakasin ka at inihahanda nito ang sarili mo para sa tagumpay. Kaya huwag kang sumuko kaagad.

Pangalawa, ang failure ay hindi ang katapusan ng lahat. Tanungin mo ulit ang sarili mo. Ang failure ba ang end goal mo? Hindi naman di ba? 

Pwes! Huwag kang matakot sa failure dahil hindi yan ang end goal mo.

#6 Hindi ka marunong sa pera.

Kasabay ng pag-asenso ang pagdami ng iyong pera. Mahalaga na marunong kang humawak ng pera. Dahil kung hindi, ikakasira ito ng cash flow mo. 

Marunong ka bang mag-manage ng pera mo?

Kung aminado kang hindi ka marunong sa pananalapi, ngayon pa lang ay simulan mo nang pag-aralan ito.

Simple lang ito. Hindi mo kailangang magsimula sa malaking halaga. Mas mabuti pa nga na masimulan mo ito sa maliit na halaga pa lang.

Sabi nga nila, kung hindi mo raw magagawang mag-manage ng isang libong piso, hindi mo rin kayang mag-manage ng sampung libong piso. Kaya magsimula ka sa maliit o sa kung magkano ang mayroon ka.

Bibigyan pa kita ng karagdagang tips.

Alamin ang pinagkaiba ng NEEDs at wants. I-prioritize mo palagi ang needs.

Matutong mag-budget. Sa pamamagitan ng tama at maayos na pagba-badyet, magiging maayos din ang iyong cash flow. Maiilaan mo ang iyong kinikita kung saan ito mas nararapat mapunta.

Dagdagan ang kita. Mas madaling ayusin ang cash flow kapag mas malaki ang pumapasok na pera. Maraming paraan para dagdagan ang kita. Pwede kang makipag-negotiate para mapataas ang sweldo mo. Pwede kang magnegosyo kahit sa maliit na puhunan lang. Pwede kang magsimula ng isang side hustle. Tandaan! Kapag gusto, may paraan.

#7 Sarado ang isip mo.

Sarado ang isip mo sa maraming bagay. Kung ano ang alam mo, doon ka lang naka-focus.

Isipin mo ito. May dahilan kung bakit hindi ka umaasenso. Pero dahil sa sarado ang isip mo para dito, malamang ay hindi mo ito nakikita.

Sarado ang isip mo sa mga opportunities. Sarado ang isip mo para sa mga kaya mong gawin.

Kapag ganito, kailangan mong magkaroon ng positive mindset. Isa sa dahilan ng pagiging sarado ng isip mo sa mga bagay-bagay ay ang pagkakaroon ng negative mindset. Kailangan mong mapalitan yan ng positive mindset.

Makakatulong kung magbabasa ka o manonood ng mga success stories. Sa ganitong paraan, mai-inspire ka at magiging motivated.

Makakatulong din ang simpleng paglalakad-lakad lang. Minsan kasi, masyadong maraming negative vibes sa environment natin kaya nahahawa tayo. Malaking tulong kung maglalakad-lakad ka sa mga lugar na makakapagbigay ng good vibes gaya ng mga park. 

Yan na ang pitong mga dahilan kung bakit hindi ka umaasenso at kasama na nyan ang mga pwede mong gawin para baguhin ang mga yan. Pweder mo ring mapanood ang video version ng post na ito sa Youtube:

0 Shares

Leave a Reply

error: Content is protected !!