Matuto at Manalo sa Condura Negosyo Plus Episode 2, Win Like A Pro

0 Shares

Marami sa atin ang nangangarap na makapagsimula ng isang negosyo, malaki man o maliit. Madali ang mangarap, pero ang pagtupad dito ay hindi madali. Pero good thing na lahat naman ng bagay ay natututunan.

Isa sa mga challenges ng mga nangangarap magsimula ng isang negosyo ay yung kawalan ng idea sa sisimulang negosyo, kakulangan sa knowledge at lakas ng loob. Pero sabi ko nga, lahat naman ng bagay ay natututunan. Ang tanong lang naman ay gusto mo bang matuto? E ang manalo, gusto mo rin ba?

Bihirang opportunity itong mga ganitong events na tuturuan ka nang magnegosyo, mas chance ka pang manalo. We are very blessed kasi may ganitong event from Condura.

Kung matatandaan mo, nagkaroon na sila ng ganitong event last October. Personally, marami akong natutunan doon. And I am really looking forward sa mga bagong matututunan ko pa dito sa Condura Negosyo Plus Episode 2, Win Like A Pro.

Isa sa dapat mong abangan for this episode ay yung mga ideas from aspiring Pinoy Negosyante. Sa mga ideas pa lang, siguradong sulit na ang oras na ilalaan mo sa panonood. Kasama sa mga Negosyante Contestants sina:

Janet Bachoco, the Queen of Flavored Leche Flan.

Anjou de los Reyes, inventor of Fusion Sisig.

Jenneth Olaes, Gourmet Bangus Guru.

Zohra Abdulwahab, creator of Halal Tocino, Tapa, and more.

Marlyn Bagayan, Master of Mushroom Food Products.

Sigurado akong marami kang mapupulot na idea at mga kaalaman sa pagnenegosyo mula sa kanila. Excited ako na malaman kung paano sila nag-come up sa mga business ideas nila. Kakaiba kasi.

Minsan kasi, iniisip natin na wala nang pwedeng bagong inegosyo kasi nagawa na lahat. Pero nakakabilib yung gaya nila na nagagawan ng o nalalagyan ng twist sa mga negosyo nila.

At syempre, nakadagdag pa sa excitement yung mga raffles. Alam kong gusto mo yun kaya huwag mong palampasin ito.

Kaya naman, SAVE THE DATE para sa Condura Negosyo Plus Episode 2, Win Like A Pro. Sa Sabado na ito, November 20. Puntahan mo na ngayon yang link at i-click mo yung “Going” para ma-remind ka rin ni Facebook for the event.

Kita-kits tayo sa event ha? Sabay-sabay tayong matuto at manalo kasama si Condura sa Condura Negosyo Plus Episode 2, Win Like A Pro. Sama-sama tayong maging WINNER SA NEGOSYO, WINNER SA LIFE!

Para sa Financial Freedom

Subscribe na sa aming mailing list at makatanggap diretso sa inbox mo ng mga tips kung paano magtipid, mag-ipon, kumita, at mag-invest.

Thank you for subscribing.

Something went wrong.

0 Shares

Leave a Reply

error: Content is protected !!