Lagi kong sinasabi sa sarili ko, magkakaroon na ako ng financial freedom. Matagal ko nang sinasabi yan, mga more than 5 years na siguro. Hindi iyan exact number pero basta matagal na. Pero alam niyo, hanggang sabi lang yun. At ngayon, sinasabi ko na naman. Ang pinagkaiba lang, isinulat ko na ngayon dito sa blog na ito.

Naisip ko lang kasi, tumataas naman ang sweldo ko pero hindi naman ako nakakaipon. Lumalaki din ang gastos. At lumalaki din ang tiyan ko. Idamay ko na kayo ha? Malamang kasi pareho tayo na tumataas naman ang sweldo pero hindi naman nakakaipon.

Nagmuni-muni ako. Ilang taon na kasi, at hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari. Isa lang ang napagtanto ko, tamad ako. Hindi tamad sa trabaho kundi tamad sa pag-aasikaso ng aking GOAL na magkaroon ng financial freedom. Grabe ano? Ang tagal bago ko pa na-realized. Pero mabuti na rin itong mai-document ko para hindi ka magaya sa akin na matagal pa bago naka-realized sa kahalagahan ng pagiging marunong sa pera.

Tanong kong muli sa sarili ko, tamad ba ako? Wala nga ba akong ginawa? Actually, may ginawa ako. Una, nang marinig ko yang financial freedom na yan, nag-search ako. Nakakita ako ng mga personalities na pwede kong sundan o i-follow sa social media. Ginawa ko naman. Nanood ako ng mga posts nilang videos (na-inspired ako), nagbasa ng ilang articles (na-inspired nang kaunti), bumili ng ebooks (sinimulan kong basahin pero di ko tinapos). Sa makatuwid, puro lang ako simula, ningas-kugon.

Para sa inaasam na financial freedom, hindi pala sapat na makapagsimula ka lang. Marami naman kasing paraan para makapagsimula – magbasa ng e-books, manood ng videos at iba pa. Hindi ko sinasabi na hindi mahalaga ang magsimula, magalaga ito dahil ito ang unang hakbang. Kumbaga, hindi ka naman makakaakyat sa tuktok kung hindi ka dadaan sa unang baitang, kung hindi ka gagawa ng unang hakbang. Pero kailangan din nating maunawaan na hindi rin tayo makakarating sa tuktok kung titigil tayo sa pag-akyat at mananatili na lang sa unang baitang. Hindi tayo aabot sa tuktok kung titigil tayo sa paghakbang.

Simulan mo sa pag-aaral. I-educate mo ang iyong sarili. Nasa iyo kung saan ka komportable. Manood ka ng videos kung nais mo, magbasa ka ng mga libro, humanap ka ng magiging mentor mo. At isabuhay mo lang kung ano ang iyong matututunan. Huwag iyong basta nabasa mo lang o napanood mo lang o nadinig mo lang.

Let me end this post with this quote. Tinamaan ako dito e. Sana tamaan rin kayo:

If you have a dream, don’t just sit there. Gather courage to believe that you can succeed and leave no stone unturned to make it a reality.

– Dr. Roopleen

Maraming salamat sa pagbabasa!

error: Content is protected !!