Matagal nang may bangko sa Pilipinas pero kakaunti lang na Pilipino ang mayroong deposit accounts. Sa makatuwid, kakaunti lang na Pinoy ang nag-iipon.
Pero ayon sa State of Financial Inclusion in the Philippines report, may 6.8% increase ang bilang ng mga Pinoy na may deposit accounts. Good news na ito at nagiging matagumpay ang panghihikayat sa mga Pinoy na mag-ipon.
Slowly but surely, unti-unti nang nauunawaan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkakaroon ng deposit accounts at pag-iipon. So, hindi lang puro payroll accounts lang ang meron sa mga Pinoy.
Ako kasi, aminado ako na noon ay puro payroll accounts lang ang mayroon ako. Nagkakaroon din naman ako ng deposit accounts pero never kong na-maintain. Ngayon, at least name-maintain ko na. Inspirasyon at disiplina lang pala ang kailangan.
Ayon pa sa report, nakatulong ang pagkakaroon ng mga branch-lite units ang mga bangko na nagbubukas sa malalayong lugar. Kumbaga, bangko na ang lumalapit sa atin. Which is nakitaan naman ng positive na impact. Sana nga ay magtuloy-tuloy ito at maging simula ng pagkamulat ng mga Pilipino sa mga financial-related na mga bagay.
Ikaw? Ano’ng bank mo?