Sa panahon ngayon, halos lahat na ng bagay ay pinapadali na ng technology. Kumbaga, malaki talaga ang role ng technology para sa convenience sa ating buhay. At yun naman talaga ang hinahanap natin, yung mas convenient at reliable.
Kahit sa banking, yan talaga ang hanap ng karamihan. Kaya naman talagang pumatok sa mga Pinoy ang mga mobile banking, at iba pang White-Labeled Banking App. Mas convenient kasi, simula sa pag-open ng account, pagta-transfer ng pera, at iba pang banking services.
Convenience din ang hatid ng mga White-Labeled Banking Apps para sa mga Pinoy OFWs. Pero alam naman natin na iba yung needs ng mga Pinoy na nasa ibang bansa pagdating sa banking.
Good news! Dahil merong White-Labeled Banking App na naka-focused sa needs ng mga Pinoy OFWs – ang Netizen.
Ano ang Netizen?
Ang Netizen ay isang White-Labeled Banking App na operated by Netbank. Basically, pwede mo itong ma-access sa pamamagitan ng isang mobile app na kailangan mong i-install sa phone mo. Think of it as a one-stop solution para sa mga banking needs ng mga OFW.
Nagkaroon tayo ng quick interview kay Mr. Young Paul, the man leading Netizen Banking.
“Netizen is more focused on Pinoy OFWs by solving the common pain points they are facing,” ayon kay Mr. Paul. “We want Netizen to be a support system for Pinoy OFWs that provides financial literacy, advice, and guidance.”
Common Pain Points ng mga Pinoy OFWs
Nare-recognized ng Netizen na iba talaga ang needs ng mga Filipino abroad. Iba yung pain points nila kumpara sa mga Filipino na nasa Pilipinas.
- Mataas na halaga ng bank transfers.
- Kakulangan sa kontrol sa pera kapag naipadala sa sa Pilipinas.
- Wala o mahirap na paraan para makapagbayad ng bills sa Pilipinas.
- Hindi madaling proseso ng pag-bubukas ng isang bank account.
I personally agree sa kakulangan ng kontrol kapag naipadala na ang pera. Mas mabuti naman nga kasi kung may kontrol sila sa mga pera na ipinapadala nila. Gaya na lang ng malaman nila yung tamang bills na binabayaran nila o kung saan nga ba dapat napupunta ang mga perang pinagpapaguran nila sa ibang bansa.
Netizen as a Support System
Ang Netizen ay hindi lang isang White-Labeled Banking App. Isa rin itong support system para sa mga Pinoy OFWs. Ayon pa kay Mr. Paul, isa sa goal ng Netizen na uuwi ang mga Pinoy OFWs sa Pilipinas nang may ipon.
Totoo naman yun. May mga OFW na dalawang taon sa abroad, then uuwi ng Pilipinas, then pagkalipas ng dalawang buwan, ubos na rin agad yung naiuwi nilang pera. Ang reason sa ganun ay yung kakulangan sa financial literacy o financial education talaga. Kaya naman maganda talaga yung may support system na pwedeng mahingian ng payo at magbibigay ng edukasyon tungkol sa tamang paghawak ng pera.
In fact, may mga Facebook groups ang Netizen para sa mga Filipino na nasa iba’t ibang bansa.
Ang mga bansang ito rin ang priority countries ng Netizen para sa pagsisimula ng kanilang operation – UAE, UK, Europe, Dubai, Japan, at Hong Kong. Pero hindi dyan hihinto ang Netizen dahil kasunod na nyan ang mga bansang USA, Singapore, Canada, Australia, at mga bansa sa Middle East.
Bukod sa mga Facebook groups, may iba’t ibang social media accounts din ang Netizen.
Target na mai-launch ang Netizen app sa darating sa September 2021.
Netizen Products and Features
Hindi naman nalalayo ang mga features ng Netizen sa iba pang mga White-Labeled Banking Apps na kilala na natin. Pero dahil nga sa ang Netizen ay ginawa para sa mga Pinoy OFWs, may mga features ito na naka-focus sa pangangailangan ng mga Filipino abroad. Ilan sa mga halimbawa ang mga sumusunod:
- Account creation gamit ang local o international mobile number
- Savings account na may competitive interest rate
- Remittance service na may mababang halaga ng transfer.
- Money transfer sa mga local banks sa Pilipinas.
- Bills and payment sa Pilipinas, gaya ng loans, utilities, contributions, insurance, at iba pa.
- Cash in gamit ang Transferwise o iba’t ibang local banks
- Iba’t ibang cashout options.
Ang mga features na yan ay magiging available sa phase 1 ng Netizen. Marami pang features ang madadagdag sa mga yan sa phase 2 ng Netizen. I look forward sa mga features gaya ng loans, insurance, “buy now, pay later” online shopping, virual card, physical card, investments at marami pang iba.
Ayon kay Mr. Young Paul, ang first release ng Netizen ay available pa lang sa Android. Pero hindi naman kailangang maghintay ng matagal ng mga iOS users dahil magiging available din ang app para sa kanila kasabay ng phase 2 bago matapos ang taon.
To know more about Netizen, you can visit any of their social media accounts na nabanggit natin or you can just visit their official website: https://www.netizen-bank.com/.