Ang makapagsimula ng negosyo, kahit maliit, ay pangarap ng marami, gaya ko (noon). Pero, para ang pangarap ay magkaroon ng katuparan, mahalagang maintindihan na hindi ito simple at swerte. Maraming kailangang isipin at kung minsan ay nakaka-overwhelmed, pero hindi ito ganoon kahirap na tipon hindi na kayang gawin.

Isa sa mga natutunan ko na kailangan sa pagsisimula ng negosyo ay ang magpakatotoo sa sarili. Mahirap lokohin ang sarili kapag magsisimula ka ng negosyo. Kailangan mong maging honest sa sarili mo sa pagsagot ng mga tanong na may kinalaman sa pagnenegosyo. Kaya mo bang baguhin ang sarili mo (ugali at habits mo)? Kaya mo bang i-motivate ang sarili mo at maging “boss” ng sarili mo? Magkano ang kakailanganin mo para makapagsimula? Paano ka magkakaroon ng pera para makapagsimula? Anong negosyo ba ang gusto mong simulan? Bakit? Kikita ba ang ganyang negosyo?

O di ba? Andaming tanong at nakaka-overwhlemed. Tough questions nga daw para sa mga nagsisimula pa lang. Pero alam mo ba na ang pagsagot sa bawat tanong na sasalubong sa iyo ay kasing fulfilling na. Kumbaga, bawat tanong na masasagot mo ay parang isang stage o level na nalampasan mo. At bawat nasagot na tanong ay magdadala sa iyo papalapit sa pangarap mong makapagsimula ng negosyo.

Pero, ang bawat tough questions ay isang tough challenge. Posibleng kapalit ng pagsagot sa tough question ay paglabas sa “comfort zone” o kaya naman ay “failure”. Takot sa mga yan ang karamihan. Ayaw nilang mahirapan. Ayaw nilang makaranas ng “failure”.

Ang mga tough questions na yan ay mga totoong obstacles, at risk. Nakakatakot, pero kung paano mo iha-handle at sasagutin ang mga yan, doon mo malalaman kung gaano kalayo ang maaabot mo at magiging basehan ng success para sa iyo.

Ang mga business owners o mga entrepreneurs ay walang mga special na kapangyarihan o swerte kaya sila naging successful. Naranasan nilang lumabas sa kanilang “comfort zone”. Nakaranas sila ng hindi lang iisa, kundi sangkatutak na “failures” sa pagharap ng mga challenges at obstacles para sa negosyo nila. Pero naging successful sila dahil hindi sila sumuko at hinarap ang bawat obstacles nang may lakas ng loob. Tamang mindset, yan ang mayroon sila.


If you fail to plan, you are planning to fail!

Benjamin Franklin

Ang pagsisimula ng negosyo, gaano man yan kaliit, ay nangangailangan ng pagpaplano. Hindi naman kailangang perpektong plano, pero kailangang masusing pinagisipan. Magplano ka base sa kung ano muna ang alam mo. Then, mag-research ka ng mga pandagdag. Don’t worry, palagi ka naman pwedeng magpalit ng plano. Kasi hindi lahat ng nasa plano mo ay mangyayari. Pero mahalaga pa rin na mayroon kang plano kasi yan ang magiging guide mo. Kung may papalitan ka, konting edit ng plano lang yan.

Hindi naman puro challenges at obstacles ang pagnenegosyo. Sa totoo lang, napakaraming rewards doon. Una, wala kang “boss”, ikaw ang “boss”. Ikaw ang magdedesisyon kung ano ang gagawin at kung paano gagawin. Hindi mo na kakailanganing manghingi pa ng pagtaas ng sweldo sa “boss” mo dahil ikaw rin ang magde-decide kung gaano kalaki ang ipapasweldo mo sa sarili mo depende sa kita ng negosyo mo. Pwede kang mag-leave any time kung gusto mo. Pero…

Syempre, bago mo magawa ang mga yan, kailangan mo munang mapatakbo ang business mo on its own. Syempre, para hindi mo poproblemahin kung paano gagalaw ang negosyo mo kapag nagbakasyon ka. Di ba? Kaya yan! Sa umpisa, kakain ng maraming effort. Pero it’s really worth it. Lalo na kapag naisakatuparan mo na ang pangarap mo.

error: Content is protected !!