Marami at iba’t iba ang paniniwala sa pera. May mga ilan pa nga na pera ang ginagawang sukatan ng pagiging successful sa buhay. Na kapag mapera ka, makapangyarihan ka. Pera is power para sa kanila.

Pero alam mo, pera is not everything.

Hindi ko sinasabi na hindi mahalaga ang pera. Wala akong sinabi na hindi kailangan ang pera.

Kailangan natin ang pera at mahalaga ang pera lalo na sa panahon ngayon. Sa ngayon kasi, kapag wala kang pera, paano ka na?

Pero ulitin ko lang… PERA is not everything.

Bakit?

Kasi hindi lahat ay nabibili ng pera.

Kailangan natin si pera para maka-survive: pambili ng makakain, inumin; pambayad sa upa sa bahay, tubig, kuryente; pamasahe papunta sa trabaho, pambayad ng bills, pambili ng gamot kapag nagkakasakit at marami pang iba. Actually, halos hindi na mabilang ang mga bagay na mabibili ng pera. Pero may iilang bagay na hindi mabibili ng pera na masasabi kong mas mahalaga kesa sa pera.

Love. Pag-ibig. Pagmamahal.

Pag-ibig is priceless. Hindi mo yan mabibili. Makakabili ka siguro ng magmamahal sa iyo. Magbabayad ka ng tao para mahalin ka. Pero sa palagay mo ba ay totoong pagmamahal ang matatanggap mo? Hindi. Dahil ang tunay na pag-ibig ay hindi mabibili.

Time. Oras.

Lahat tayo ay may 24 oras sa isang araw. Kahit gaano kadami yang pera mo, may 24 oras ka pa rin. Hindi yan magiging 25. Hindi yan madadagdagan. Mababawasan pa nga yan kapag oras mo na. Alam nyo na! Kaya use your time wisely.

Pera cannot buy time, pero time can buy you pera. Duda ka? May mga tao na alam ang halaga ng bawat oras nila. At alam din nila kung paano mag-leverage ng oras nila. Isipin mo na lang, pare-pareho naman tayong may 24 oras pero bakit may mga kumikita ng malaki at mas marami? Siguro, isasagot mo ay dahil sa may matataas silang natapos et cetera. Pero hindi yan. Dahil nasa tamang paggamit ng oras yan.

Paano?

  1. Invest in knowledge. Kakailangin mo ng oras para mag-aral. Hindi ito schooling ha? Kahit self-study lang pwede na. Paglaanan mo ng oras ang pag-aaral.
  2. Manage your time. Para hindi mo sasabihing wala kang time. May time ka. Hindi mo lang alam na sinasayang mo na pala.

Dignidad.

Balewala ang kayamanan mo kung sirangbsira na ang dignidad mo. Yang dignidad mo, pagkatao mo na yan e. Mas mahalaga yan kesa yaman.

Faith.

Yung relationship mo kay God, walang katumbas na halaga yan. Para fair, kahit hindi ka naniniwala na may Diyos, yung faith in humanity mo na lang. Or yung faith mo in kindness. Or kung ano o sino mang pinaniniwalaan mo. Huwag mong hahayaang masira yan dahil sa pera.

Alam niyo, ang pinakamagagandang bagay sa mundo ay hindi related sa pera. Sabi nga nila, the best things in life are free.

error: Content is protected !!