Sabi nila, mahirap daw mag-ipon, dahil mahirap ma-develop yung habit ng pag-iipon. Well, mahirap nga naman siguro sa simula, pero kapag nakasanayan ay nagiging madali na. Meron din namang magaling lang sa simula pero hindi nagiging consistent kaya wala pa rin napapala sa bandang huli.
Sa post na ito, gusto ko lang i-share kung paano ako nakapag-develop ng habit sa pag-iipon. Sa ngayon kasi ay nakakapagtabi na ako ng 15% ng aking income, consistently. Walang palya.
Tinawag ko itong Plus 1% Ipon Challenge. Nabasa ko lang itong technique na ito sa isang blog pero, unfortunately, di ko na matandaan kung saang blog ko nabasa at di ko na ulit mahanap. Pero nilagyan ko ng twist ang challenge na ito.
Simulan natin.
Sa challenge na ito, kailangan mong mag-set ng goal. At ang goal dito ay hindi exact amount, kundi percentage of income. Karamihan kasi sa mga ipon challenge ay exact amount ang goal or target. Nasubukan ko na ang ganunpero hindi naging effective sa akin. Kung effective iyon sa inyo, e di good. Pero pwede niyo ring subukan ito.
#1 GOAL
So, ilang percent ng sweldo mo ang nais mong mai-save?
Nang simulan ko ang challenge na ito, 10% ang first goal ko. Then after few months, naisip ko na kaya ko pang taasan. Kaya ginawa kong 15%. Balak ko pang taasan yan ngayon to 20% or up to 50% nga sana.
Kung ikaw ay minimun wage earner, I suggest na simulan mo sa 10%. O kahit 5% lang. Ang goal natin dito ay makapag-ipon ka at ma-develop ang habit sa pag-iipon. Kung dati ay palaging wala kang ipon, ngayon ay sisiguraduhin nating makakaipon ka na.
GOAL: 10%
#2 INCOME
Sunod na kailangan ay ang paglilista ng income o sweldo mo. Effective ito kung kinsenas-katapusan ang sweldo mo. Mas mabilis made-develop yung ipon habit mo.
Basta kailangan mo lang ilista ang sweldo mo. Malaki man yan o maliit. Basta ilista mo nang tapat. Kasi kung dadayain mo, sarili mo lang din naman ang lolokohin mo.
Ang dalawang yan lang ang kailangan mong mailista sa challenge na ito. GOAL at INCOME.
Paano gawin ang Plus 1% Ipon Challenge?
Tignan ang example:

Sa example, ipinagpalagay ko na lang na kumikita ka ng 7000 kada kinsenas-katapusan. Pwede mo iyang palitan kung magkano talaga ang kinita mo.
Pwede mong i-download ang spreadsheet nito.
Plus 1% Ipon Challenge by Pera Thoughts Download
Para ma-download ang File, gawin ang alinman dito:
- I-click ang download link >> Click File >> Make a Copy
- I-click ang download link >> Click File >> Download >> Microsoft Excel
Magsisimula ang challenge sa pamamagitan ng pagtatabi mo ng 1% ng iyong sweldo. Napakadali lang niyan. Kung dati ay wala kang natitira kahit kusing, ngayon ay siguradong meron. Kung 5000 lang ang sweldo mo, ilagay mo na 5000. At ang 1% ng 5000 at 50 pesos.
Congrats! May ipon ka nang 50 pesos!
Ano ang napatunayan mo? Sa pagtatabi ng 50 Pesos, napatunayan mo na kaya mo palang magtabi ng 1% ng iyong sweldo.
Madali lang pala magtabi ng 1% ng sweldo. Kaya sa next sweldo, dagdagan ulit natin ng 1%. So, 2% na ng sweldo ang itatabi. Then +1% ulit sa mga susunod pa. Hanggang sa maabot mo na ang goal mo. Sa example, ang goal ko ay 10%.
Mapapansin ko na nung maabot ang 10% ay huminto na ang pagdadagdag ng 1%. Naging consistent ang 10%.
Sa technique na ito, unti-unti mong masasanay ang sarili mo sa pag-iipon. Hindi ka mabibigla. Mapapaghandaan mo pa at mabibigyan mo ang sarili mo ng pagkakataon na magbawas ng gastusin.
So, i-download mo na ang spreadsheet. It’s FREE!
Ang kailangan mo lang palitan ay yung GOAL at yung mga sweldo. Yung iba, naka-formula na.
Good luck sa challenge!