Isa ka bang dog-lover? Naisip mo ba minsan na magsimula ng negosyo na related sa pag-aalaga ng aso? Pwede ka naming bigyan ng ilang ideas kung sakaling hindi mo alam kung saan ka pwedeng magsimula. Just read on at i-share sa mga kapwa dog-lovers.
#1 Dog grooming services
Kailangan ng mga aso ang proper care at grooming. Kahit pa sabihin natin na Aspin pa yan. Kung wala ka pang alam sa paggu-groom ng mga aso, pwede mo namang pag-aralan. At syempre, kapag marunong ka na, pwede ka nang mag-offer ng iyong dog grooming services sa ibang mga dog owners. Pwede mong gawin tuwing weekends o kapag may free time ka. Pwede ring on-call.
#2 Sell dog supplies and accessories
Pwede kang magsimula ng online shop ng mga dog supplies. Mga supplies na gaya ng dog bed, dog shampoo, conditioner, nail clippers, pooper scooper, toys, at marami pang iba. Kung inaalala mo naman ang kawalan ng space o stock room, pwede mong i-try mag-dropship.
#3 Homemade dog food and treats
Kung kapos naman sa puhunan, pwede mong subukang gumawa ng homemade dog food. Pwede mong i-try itong recipe sa DIY dog food recipe from Damn Delicious. Okay na okay itong business na ito para sa mga dog owners na naghahanap ng iba pang alternative na pwedeng treats sa kanilang mga alaga. Of course, pwede mo ring ibenta online. Try mo din itongĀ homemade dog treats recipe from Cesar’s Way.
#4 Dog training services
Iba ang happiness ng mga dog owners kapag may bagong na natututunan ang kanilang alaga pero hindi lahat ng mga dog owners ay may kakayahang mag-train ng kanilang mga alaga. Kaya naman napakagandang opportunity nito. Pwede mong pag-aralan kung paano mag-train ng mga aso at mai-offer ang iyong dog training service sa mga dog owners.
#5 Dog photography
Pwede mo itong simulan na kasama ng dog training service. Syempre, pwede ring separate. Mahirap kasing kuhanan ng picture ang mga aso. Kaya naman may mataas na demand ang dog photography. Para makapag-promote ng ganitong business, pwede kang gumawa ng Instagram account at i-upload doon ang iyong mga sample pictures.
#6 Blog about dogs
Crowded na ang ganitong niche sa blogging, pero it’s never too late to start. Pwede ka naman mag-blog at gawin lang parang documentary ng pagpapalaki mo sa iyong alaga. Or pwede ka rin namang mag-blog tungkol sa dog services na kaya mong i-offer. Perfect na promotion para sa business mo.
That’s all for side business ideas para sa mga dog lovers. Sana ay may napulot kang pwede mong masimulan. Pwede mong subukan lahat if you have time.
For more additional income or business ideas and opportunities, you can visit this link >> #MakeMorePera.