Mabilis na tinangkilik ng mga tao ang eCommerce o pagtitinda at pagbili online. At hanggang ngayon ay booming pa rin o nasa pataas na trend pa rin ito lalo na dito sa Pilipinas. Kaya naman magandang opportunity ito kung naghahanap ka ng ibang pagkakakitaan o pandagdag income.
Kung ikaw ay isa sa mga online sellers, mahalaga na alam mo kung bakit pinipili ng mga tao na bumili online. So, narito ang mga dahilan…
Bakit Gusto ng mga Taong Bumili Online
Bilang isang online seller, para ma-maximize mo ang pagkita ng pera, kailangan mong maintindihan kung bakit gusto ng taong bumili online.
#1 Comparison and reviews
Mahilig mag-compare ng mga products ang mga tao bago sila bumili. Kahit na sabihin natin na may mga taong loyalista ng isang brand, marami na ngayon ang hindi na tumitingin sa brand. Kumbaga, ang quality ay wala na sa brand name. May mga kilalang brand kasi ngayon na nabibigyan ng mga users ng panget na review at may mga hindi branded na maganda ang review.
Sa pamamagitan ng pagbabasa ng review, mas nakikita ng mga buyers kung sulit ba ang bibilihin nila o hindi. O baka makakita pa sila ng mas sulit pa.
Pero hindi lang naman product ang binibigyan ng review. Binibigyan na rin ng review ang seller. Gusto ng mga tao yung mabait na seller, magalang, honest.
#2 Wider selection and even more options
“Kapag wala kang makita sa mall, try mo humanap online.”
– payo ng isang kaibigan
Totoo naman. Pwedeng ang isang mamimili ay walang makitang item na gusto niya sa mall, o hindi niya malaman kung saan hahanapin. Sa ganitong pagkakataon, susubukan na niyang humanap sa internet. At mula sa napakaraming websites, pwedeng makakita siya ng mga alternatives na pwedeng mas maganda at at mura kaysa sa hinahanap niya. Related pa rin ito sa #1. Kasi, since mas malawank ang pagpipilian, mas marami rin ang pagkukumparahan.
#3 Affordable Prices
Affordable prices? Totoo? E, meron pang delivery fee? Handling fee?
Okay. Hindi lahat ay affordable. Pero makakapili ang mamimili kung alin ang may pinakamababang presyo. At saka, may mga shop na nag-o-offer pa ng free delivery. May mga websites din na nagbibigay ng discount coupons. At mayroon din naman na namimigay ng freebies.
Ang isang matalino at masinop na mamimili ay makakakita ng talagang mababang presyo. Napakalawak ng internet.
#4 Save Time
May mga customer na masyadong busy kaya hindi na nagagawang magpunta sa mga malls para mamili. Or pwede naman sabihin na yung iba ay tinatamad na lang talagang magpunta sa mall. So, ano ang gagawin nila kapag may gusto silang bilihin? Kukuhanin nila ang kanilang phone o laptop, ko-connect sa internet at bibili ng gusto nilang bilihin. Simple. Yung oras na gagamitin sana sa pagbyahe papunta sa mall, paglalakad, paggala, paghahanap ay pwedeng gamitin sa ibang bagay. (Sa mas kapakipakinabang sana.)
[READ] Mga Bagay Na Pwede Mong Ibenta Online
Bumibili ang mga tao online dahil nakakakita sila ng mga advantages. Although may mga disadvantages din naman na pwedeng dahilan kung bakit may mga taong mas pinipili na bumili sa mga malls o ibang pamilihan. May mga bagay kasi na mas preffered bilihin online at may mga bagay na mas okay kung physical mong bibilihin. Pero kahit ano pa man ang reasons, bilang isang online seller, kailangan mong i-work out ang mga advantages para maging successful ang iyong online business.
References: