Gusto mo ba ng extra income o maliit na negosyo pero maliit lang ang iyong puhunan? Sa panahon ngayon, lalo na at pandemic, talagang kailangang gumawa ng paraan para magkaroon ng karagdagang pagkakakitaan. Dito sa article na ito, ituturo ko sa iyo ang mga negosyong pwedeng simulan sa maliit na puhunan. 

Ang pinag-uusapan natin dito ay yung mga negosyong pwede mong simulan sa halagang isang libong piso (₱1000) o mas mababa pa.

Okay! Let’s begin. 

6 Negosyong Pwedeng Simulan sa Maliit na Puhunan

#1 Magbenta ka ng yelo, ice candy, o ice pop. 

Kung mayroon kang refrigerator na may freezer, at hindi naman palaging napupuno, gamitin mo iyan para makapagsimula kang makapagbenta ng yelo. Hindi lang tuwing summer ma benta ang mga ito dahil kahit tag-ulan na, marami pa rin ang bumibili ng yelo. Ginagawa rin namin ito, at sa maniwala ka man o hindi, yung kinikita namin sa pagbebenta ng yelo, sumasapat na pambayad ng bill namin sa tubig kada buwan. At kung may sobra, pandagdag na rin sa pambayad sa kuryente. Malaking bagay na yan at tulong para sa mga gastusin.  

Masisimulan mo ang negosyong ito kahit sa puhunan lang na ₱50-₱100. 

#2 Magbenta ka ng frozen goods. 

Ang halimbawa nito ay hotdog, tocino, ham, at marami pang iba. 

Pwede mo itong isabay sa pagbebenta mo ng yelo kung may space pa sa freezer mo. O kaya naman ay puro frozen goods na lang ang ibenta mo. Ma benta ang mga frozen goods kahit na anong panahon. Kahit pa ngayong panahon ng pandemic.  

Pwede mong sabihin sa mga kapitbahay mo na may tinda kang frozen goods para sila ang maging una mong customer. 

Pwede mong simulan ang negosyong ito sa puhunan na dalawandaan hanggang limang daang piso. 

#3 Buy and sell. 

Ginagawa rin namin ito.

Maraming bagay ang pwede mong i-buy and sell. Sa totoo lang, mahirap pumili ng pwede mong ibenta. Nakadepende rin kasi yan sa budget mo. Pero dahil sa ang topic natin ngayon ay mga negosyo sa maliit na puhunan, focus lang tayo sa mga produkto na maliit lang ang halaga. 

Ganito ang diskarte namin na pwede mo ring gawin. 

Una, tumingin kami sa mga bagay na ginagamit namin dito sa bahay. O yung mga bagay na madalas naming bili hin. Tapos, humanap kami ng mabi bilihan online. Mas okay kung makakabili ng wholesale para mas mura. Tapos, bumili kami nang marami at ibinenta namin dito sa amin. 

Bale ang ginagawa talaga namin ay buy bulk online, and sell offline. 

BASAHIN: Mga Bagay na Pwede Mong Ibenta Online

Hindi namin ina lala kung walang bibili ng product na ito kasi madalas din naman namin itong gamitin. Pero, syempre, laking tuwa namin dahil bumenta rin ito din sa amin. 

#4 Magbenta ka ng almusal o meryenda. 

Huwag mo agad isipin kung saan mo ipupwesto ang tindahan mo ng almusal o meryenda. Kasi sa negosyong ito, pwede kang magsimula kahit sa bahay lang. May kilala akong gumagawa nito kahit nasa bahay lang sila. Nagbebenta sila sa pamamagitan ng social media. Kapag may order, pwedeng i-deliver. Free delivery lalo na kung malapit lang naman. Syempre, may additional na kapag medyo malayo na. 

Sa almusal, pwede kang magbenta ng iba’t ibang silog. Tapsilog, hatsilog, longsilog, at iba pa. Pwede ka ring magtinda ng lugaw, sopas, tsampurado, at iba pang classic na almusal ng mga pinoy. 

Sa meryenda naman, pwede kang magbenta ng turon, banana-Q, fishball, kwek-kwek, burger, fries, puto, kutsinta, siomai at iba pa. 

Tip lang, wag mo silang ibenta sabay-sabay sa isang araw. Magkaroon ka ng menu of the day. Halimbawa, ngayong araw na ito, ang almusal na ibebenta mo ay champurado, at sa meryenda naman ay turon at puto. Mas okay yang ganyan para hindi madaling magsawa ang mga customer mo. Wag kang matakot sumubok ng diskarte dahil siguradong makakahanap ka ng kombinasyon na papa talk para sa iyo. 

Kung ina alala mo naman na baka hindi maubos ang paninda mo, gawin mo itong made-to-order. Halimbawa, sa araw na ito, iaalok mo na yung mga lulutuin mo kinabukasan. Gumawa ka ng listahan kung ilan ang oorder. At kung ilan lang ang order sa iyo, yun lang ang gagawin mo. Nasa iyo na lang kung magpapa sobra ka pa. Sa ganyang paraan, hindi mo aalalahanin na baka hindi maubos ang paninda mo. 

Pwede mong simulan itong almusal at meryenda business mo sa halagang ₱200 hanggang isang ₱1000. 

#5 Loading business. 

Hindi mo kailangan ng malaking halaga sa negosyong ito. Kahit ₱100 nga ay pwede mo na itong simulan. Yung loading business namin, sinimulan lang namin sa halagang one hundred pesos lang talaga. Pinaikot lang namin ang puhunan hanggang sa dumami na. 

Wala kaming retailer sim. Ang ginagamit namin sa loading business namin ay coins.ph, Gcash, at Paymaya. Pero pinaka-favorite ko jan ay sa coins.ph. Mas mataas kasi ang cashback kumpara sa iba.  

Pwede mong simulan ang loading negosyo na ito sa halagang ₱100 lang. Pero mas okay kung mayroon ka kahit ₱1000 para mas malaki ang perang paiikutin mo. 

#6 Cash in and cash out. 

Kasabay na ito ng loading business. Marami ang nagpapa cash in at cash out sa Gcash at Paymaya kaya samantalahin mo na rin ang pag-ooffer ng ganitong service kung may loading business ka. Limitasyon dito kapag malaki ang halaga na kailangang i-cash in o cash out ng customer mo. Dahil sa maliit lang ang puhunan mo, baka hindi mo pa agad kayanin ang malalaking transaksyon. Pero huwag naman sana iyang maging dahilan para hindi ka makapagsimula. 

Simulan mo ito kahit sa halagang ₱1000 lang. Mapaparami mo din iyan sa maikling panahon lang. 

Yan ang anim na maliit na negosyong pwede mong simulan kahit na sa maliit na puhunan lang. O ano? May napupusuan ka bang simulan sa mga yan? 

Pwede mo rin palang panoorin ang video version ng article na ito sa Youtube. Doon sa video, ini-reveal ko ang dalawang product na ibina-buy and sell namin.

I-summary ko lang ha? Ito yung 6 na negosyong pwedeng simulan sa maliit na puhunan.

  1. Magbenta ng yelo, ice candy, o ice pop. 
  2. Magbenta ng frozen goods. 
  3. Buy and sell. 
  4. Magbenta ka ng almusal o meryenda. 
  5. Loading business. 
  6. Cash in and cash out. 

error: Content is protected !!