Save More Pera Archives - Pera Thoughts

Start a 100 Days Ipon Challenge
100 Days Ipon Challenge: Sulit na Simula Para sa Financial Freedom

Hey ! Kumusta ang budget-buhay natin lately? If you’re like most of us, siguradong minsan napapaisip ka, “Kailan ba ako makakaipon nang seryoso?” Well, good news! I have a fun, super achievable, and totally customizable solution for you: ang 100 Days Ipon Challenge!

Ito na ang perfect way para ma-jumpstart ang ipon journey mo—isang simple, exciting, at flexible challenge na kayang-kaya gawin kahit sino. At ang best part? I created a FREE printable PDF na magagamit mo to track your progress and set your goals. Excited ka na? Tara, basahin mo hanggang dulo para malaman kung paano simulan at i-download ang planner na ito.

Ano ang 100 Days Ipon Challenge?

Ang 100 Days Ipon Challenge ay isang daily savings plan na tumatagal ng 100 days. Pero ang twist? Ikaw ang bahala sa target amount mo. Hindi ito fixed, kaya perfect ito kahit anong estado ng budget mo ngayon. Ang kailangan mo lang gawin ay:

Mag-set ng goal – Gaano kalaki ang gusto mong maipon after 100 days?

Isulat ito sa 100 Days Ipon Tracker na ginawa ko (free download, promise!).

Maghulog ng daily amount – Kahit magkano, basta consistent.

I-track ang progress mo!

This challenge is designed to teach you discipline, patience, and consistency. Hindi lang pera ang maiipon mo—matututo ka ring mag-develop ng habit na mag-iipon araw-araw!

Bakit Effective ang 100 Days Ipon Challenge?

Kung nag-struggle ka dati sa traditional na ipon plans, baka ito na ang sagot para sa’yo. Bakit? Kasi:

Flexible ang Goal.
Walang pressure! Kung gusto mo ng maliit na ipon para sa emergency fund o malaki para sa travel goals mo, p’wede. Ikaw ang may control.

Simple at Realistic.
Daily hulog lang ang kailangan. Hindi mo kailangang mag-adjust ng sobra sa lifestyle mo.

Visual Progress.
Gamit ang printable tracker, makikita mo kung gaano ka na kalapit sa goal mo. Nakaka-motivate kapag may nasusundan ka!

Habit-Forming.
Araw-araw kang mag-iipon, kaya after 100 days, magiging natural na sa’yo ang magtabi ng pera.

Multiple Opportunities in a Year.
Since there are 365 days in a year, puwede mong gawin ang 100 Days Ipon Challenge tatlong beses sa isang taon! Imagine having three different goals for three separate rounds ng challenge. Halimbawa:

Unang 100 Days: Mag-ipon ng ₱5,000 para sa emergency fund.

Pangalawang 100 Days: Mag-ipon ng ₱10,000 para sa dream travel.

Pangatlong 100 Days: Mag-ipon ng ₱20,000 para sa small business capital.

Paano Simulan ang Challenge?

Madali lang! Sundin mo ang mga steps na ito:

Step 1: I-download ang Free Printable 100 Days Ipon Tracker

Ginawa ko ito para sa’yo! May sections na kung saan puwede mong:

Isulat ang ipon goal mo.

I-track ang daily hulog mo.

I-monitor ang total na naiipon mo.

CLICK HERE TO DOWNLOAD YOUR FREE TRACKER!

Step 2: Mag-set ng Ipon Goal

Mag-isip ng specific na amount na gusto mong maipon after 100 days. Puwedeng:

₱5,000 para sa bagong gadget.

₱10,000 para sa travel fund.

₱50,000 kung long-term goal mo.

Ikaw bahala! Basta realistic para sa budget mo.

Step 3: Simulan Maghulog Araw-Araw

Decide kung magkano ang kaya mong ihulog daily. Halimbawa:

Day 1: ₱10, Day 2: ₱20, Day 3: ₱30, and so on.

O kung gusto mo, fix amount na ₱50 per day para mas simple.

Step 4: Stay Consistent!

Consistency is key! Kung minsan mahirap maghulog dahil sa gastos, bumawi ka the next day. Importante ang commitment para maabot ang goal.

Tips Para Sa Successful Ipon Journey

Gawin Mong Fun!
Gamitin mo ang tracker para gawing colorful ang progress mo. Highlight or shade ang bawat araw na natapos mo.

I-Visualize ang Goal Mo.
Print a photo of your target (e.g., travel destination, gadget, or dream item) at ilagay ito sa tabi ng tracker mo.

Mag-reward sa Sarili.
Pagkatapos ng challenge, treat yourself kahit maliit lang—reward ang pagiging consistent mo!

Maghanap ng Accountability Partner.
Sabihan ang friend or family member na sumali rin. Magtulungan kayo at i-share ang progress.

What Makes This Challenge Special?

Hindi tulad ng ibang ipon challenges na rigid at fixed, ang 100 Days Ipon Challenge ay customized para sa’yo. At dahil nga may kasamang FREE PDF tracker, mas madali at mas organized ang ipon journey mo.

Anong Magagawa Mo Sa Naiipon Mo?

Emergency Fund: Napakahalaga nito lalo na’t unpredictable ang buhay.

Travel Fund: Finally, ma-eexplore mo na ang dream destination mo.

Investment Start: Pwede kang mag-open ng MP2, stocks, o savings account.

Reward for Yourself: New gadget, wardrobe, or anything na matagal mo nang gusto.

Ready Ka Na Ba?

Kung matagal ka nang nangangarap makapag-ipon pero hindi mo alam paano magsisimula, ang 100 Days Ipon Challenge ang sagot sa’yo. Gawin itong first step towards financial freedom. At tandaan, hindi kailangan ng malaking sweldo para makapag-ipon—ang kailangan mo lang ay commitment at consistency.

So, ano pang hinihintay mo? I-DOWNLOAD ANG FREE PRINTABLE TRACKER DITO!

Sabay-sabay nating gawing masaya at fulfilling ang ipon journey natin. Share this with your friends and family para sama-sama tayong umangat financially. Cheers to your savings!

P.S.

Meron din akong Plus 1% Ipon Challenge. Ito yung Ipon Challenge na Malaki ang naitulong sa akin para makapag-ipon. Kung gusto mo rin itong subukan, nandito ang details sa link na ito:

PLUS 1% IPON CHALLENGE

The post Start a 100 Days Ipon Challenge appeared first on Pera Thoughts.

Paano Makaipon ng Pera nang Mabilis
Narito ka ngayon kasi humahanap ka ng paraan kung makaipon ng pera nang mabilis, tama ba? Lagi na lang tayong nakakarinig o nakakabasa ng tungkol sa pag-iipon, sa bahay man o maging sa social media. Alam naman natin na napakahalaga talaga ng pag-iipon. Para may magamit kapag may emergency, para may pambili ng needs at wants sa future, para may pang-invest, at iba pa. Pero kahit na alam na natin yan, parang andami pa rin talaga nung mga dahilan kung bakit hindi natin nagagawang mag-ipon.

Parang ganito yan. Alam natin ang dapat nating gawin, pero hindi natin alam kung paano, o kung paano gawin nang tama. At yan ang isa sa mga matututunan mo dito ngayon.

Tatanungin kita, mahirap ba ang mag-ipon?

Sa aking palagay, mas marami ang magsasabi na mahirap mag-ipon. Kasi kung madali lang ang mag-ipon, malamang ay hindi gaanong marami ang mga taong nagkakaproblema sa pera.

Mahirap ang mag-ipon. Pero hindi ibig sabihin na imposible ito.

Wag kang mag-alala dahil may ituturo akong 6 na tricks kung paano makaipon ng pera nang mabilis. Ang mga ito ay psychological tricks na pwede mong gawin para mapwersa mo ang iyong isipan para mag-ipon.

6 Psychological Tricks Para Makaipon ng Pera nang Mabilis

#1 Imagine your future (mayaman) self.

Magkakaiba tayo ng definition ng pagiging mayaman. May mga tao na para sa kanila, ang mayaman ay yung maraming pera na kayang bilihin ang kahit na anumang gusto niyang bilihin. Iyan ay para sa kanila. May mga tao naman na ang pagiging mayaman ay yung nakakapunta sila sa mga lugar na gusto nilang puntahan kahit na kailan pa man nila gustuhin nang walang ibang inaalala. Pero para sa iyo, ano ba ang pagiging mayaman? Imagine mo ang future self mo sa sarili mong depinisyon ng pagiging mayaman.

Palagi mo itong gawin at ituring na motivation mo.

Ito yung sinasabi nila na “start with an end in mind“. Magsisimula ka na nakikita mo yung goal mo.

#2 Automatic deduction.

Mahirap mag-ipon. Pero sa pamamagitan ng automatic deduction, mas magiging madali na ang pag-iipon. Una, kasi automatic na ang pag-iipon. At pangalawa, hindi mo mahahawakan ang pera kaya mas malaki ang chance na hindi mo ito magagastos.

Paano ba itong automatic deduction?

Halimbawa, pwede mong i-set na tuwing petsa ng sweldo mo, automatic nang magbabawas ng para sa savings mo ang bangko mo at ilalagay ito automatically sa hiwalay mong bank account. Sa ganyang paraan, kung ano ang pera na matitira sa ATM mo, ay yun na lang ang pagkakasyahin mo sa gastusin mo. Di mo na aalalahanin ang ipon mo kasi automatic na sya.

Pero paano naman kung walang bank account?

Kung wala ka namang bank account, gawin mo na lang itong trick number three. Okay na okay ito kahit na sa alkansya ka pa nag-iipon.

#3 Bigyan mo ng pangalan ang ipon mo.

Mahirap mag-ipon, lalo na kung wala kang pinag-iipunan. Pero iba kapag meron kang pinag-iipunan. Mas motivated ka. Pero mas magiging okay pa yan kung magiging connected ka sa ipon mo. At para magkaroon ka ng personal na connection sa ipon mo, bigyan mo sila ng pangalan na konektado sa buhay mo.

Basahin: Mga Bagay na Dapat Mong Pinag-iipunan

Halimbawa, yung isang alkansya mo, pangalanan mo ng Magandang Future ni Baby Junior. Yung isa naman ay Paborito kong BTS Album. At isa naman para sa Maintenance ni Mister.

Kapag nilagyan mo ng ganyan ang ipon mo, mapa-bank account man o alkansya, magdadalawang isip kang bawasan ang ipon mo at mamo-motivate ka naman na dagdagan ito, kasi inilaan mo na iyan para sa isang specific na bagay na konektado sa buhay mo.

#4 Gumamit lang ng cash.

Convenience ang dala ng pagkakaroon ng credit card. Pero kapag wala kang kontrol, baka ito pa ang maging dahilan kung bakit ka mapupunta sa hindi magandang kalagayan. Hindi naman masama ang paggamit ng credit card kung ikaw ay disiplinado at kung alam mo kung paano i-take advantage ang mga promos na mayroon sila. Pero karamihan kasi sa mga taong nalulubog sa utang sa credit cards ay yung mga taong bili nang bili. Isa sa dahilan kung bakit sila bili nang bili ay hindi nila nakikita ang totoo nilang kapasidad sa pagbili. Kumbaga, hindi nila nakikita kung magkano pa ang kanilang pera.

Ito ang nabibigyan ng solusyon kapag bumibili ka gamit ang cash. Nakikita mo kasi kung magkano na lang ang laman ng wallet mo. Kapag kakaunti na ang laman ng wallet mo, mas mataas ang chance na hindi ka na bibili.

#5 Mag-compute ka base sa kinikita mo kada oras.

Karamihan sa atin ay buwanan o kaya naman ay dalawang beses kada buwan kung sumuweldo. Pero iilan lang ang nakakaalam kung magkano nga ba ang kanilang kinikita kada oras. Kung alam mo kung magkano ang kinikita mo kada oras, maaaring magbago ang pananaw mo sa paggastos.

Halimbawa. Kung ikaw ay may sweldo na ₱ 12,000.00 kada buwan, nagtatrabaho ng 20 araw kada buwan, at 8 oras kada araw, ikaw ay kumikita ng ₱ 75.00 kada oras. Hindi pa kasama dyan yung mga kaltas ha?

Ngayon, kung bigla mong nagustuhan na bumili ng mamahaling kape na nagkakahalaga ng ₱ 120.00, isipin mo na lang na kailangan mong magtrabaho ng isang oras at kalahati para kitain mong muli ang perang gagastusin mo para sa mamahaling kape. Sa ganyang paraan, mas bibigyan mo na ng halaga ang pera mo kasi alam mo kung ilang oras ang ginugugol mo para kitain ito.

Itong Trick #5 ang favorite ko dito sa list natin kung paano makaipon ng pera nang mabilis. Kasi nag-iiba talaga yung pananaw ko sa pagbili kapag sa ganitong paraan ako nagko-compute.

#6 Mag-focus ka sa pagdadagdag ng income.

Kung gusto mo talagang mapabilis ang pag-iipon mo, kailangan mong gumawa ng paraan para magkaroon ka ng karagdagang income. Sa panahon ngayon, halos sapat lang kung iisa lang ang source of income mo. Kaya para sa mga financial goals mo, humanap ka ng iba mo pang pagkakakitaan. Gamitin mo ang free time mo para kumita ka ng pera. Isipin mo na lang na kapag nadagdagan ang kita mo, mas mabilis mo nang makakamit o mas mabilis mong mararating ang inisip mong future (mayaman) self.

Yan ang ating mga tips kung paano makaipon ng pera nang mabilis.

Maraming salamat sa pagbabasa. Sana ay marami kang natutunan at sana ay isabuhay mo ang mga ito dahil siguradong malaki ang maitutulong ng mga ito sa iyo.

Pwede mo ring mapanood ang video version ng blog post na ito dito sa ibaba o kaya naman ay sa Pera Thoughts Youtube Channel.

The post Paano Makaipon ng Pera nang Mabilis appeared first on Pera Thoughts.

Netizen: Ang White-Labeled Banking App Para sa Mga Pinoy OFW
Sa panahon ngayon, halos lahat na ng bagay ay pinapadali na ng technology. Kumbaga, malaki talaga ang role ng technology para sa convenience sa ating buhay. At yun naman talaga ang hinahanap natin, yung mas convenient at reliable.

Kahit sa banking, yan talaga ang hanap ng karamihan. Kaya naman talagang pumatok sa mga Pinoy ang mga mobile banking, at iba pang White-Labeled Banking App. Mas convenient kasi, simula sa pag-open ng account, pagta-transfer ng pera, at iba pang banking services.

Convenience din ang hatid ng mga White-Labeled Banking Apps para sa mga Pinoy OFWs. Pero alam naman natin na iba yung needs ng mga Pinoy na nasa ibang bansa pagdating sa banking.

Good news! Dahil merong White-Labeled Banking App na naka-focused sa needs ng mga Pinoy OFWs – ang Netizen.

Ano ang Netizen?

Ang Netizen ay isang White-Labeled Banking App na operated by Netbank. Basically, pwede mo itong ma-access sa pamamagitan ng isang mobile app na kailangan mong i-install sa phone mo. Think of it as a one-stop solution para sa mga banking needs ng mga OFW.

Nagkaroon tayo ng quick interview kay Mr. Young Paul, the man leading Netizen Banking.

“Netizen is more focused on Pinoy OFWs by solving the common pain points they are facing,” ayon kay Mr. Paul. “We want Netizen to be a support system for Pinoy OFWs that provides financial literacy, advice, and guidance.”

Common Pain Points ng mga Pinoy OFWs

Nare-recognized ng Netizen na iba talaga ang needs ng mga Filipino abroad. Iba yung pain points nila kumpara sa mga Filipino na nasa Pilipinas.

Mataas na halaga ng bank transfers.

Kakulangan sa kontrol sa pera kapag naipadala sa sa Pilipinas.

Wala o mahirap na paraan para makapagbayad ng bills sa Pilipinas.

Hindi madaling proseso ng pag-bubukas ng isang bank account.

I personally agree sa kakulangan ng kontrol kapag naipadala na ang pera. Mas mabuti naman nga kasi kung may kontrol sila sa mga pera na ipinapadala nila. Gaya na lang ng malaman nila yung tamang bills na binabayaran nila o kung saan nga ba dapat napupunta ang mga perang pinagpapaguran nila sa ibang bansa.

Young Paul CWP, CEPP – the man leading Netizen Banking Service.

Netizen as a Support System

Ang Netizen ay hindi lang isang White-Labeled Banking App. Isa rin itong support system para sa mga Pinoy OFWs. Ayon pa kay Mr. Paul, isa sa goal ng Netizen na uuwi ang mga Pinoy OFWs sa Pilipinas nang may ipon.

Totoo naman yun. May mga OFW na dalawang taon sa abroad, then uuwi ng Pilipinas, then pagkalipas ng dalawang buwan, ubos na rin agad yung naiuwi nilang pera. Ang reason sa ganun ay yung kakulangan sa financial literacy o financial education talaga. Kaya naman maganda talaga yung may support system na pwedeng mahingian ng payo at magbibigay ng edukasyon tungkol sa tamang paghawak ng pera.

In fact, may mga Facebook groups ang Netizen para sa mga Filipino na nasa iba’t ibang bansa.

OFWSave UAE

OFWSave UK

OFWSave Europe

OFWSave Dubai

OFWSave Japan

OFWSave Hong Kong

Ang mga bansang ito rin ang priority countries ng Netizen para sa pagsisimula ng kanilang operation – UAE, UK, Europe, Dubai, Japan, at Hong Kong. Pero hindi dyan hihinto ang Netizen dahil kasunod na nyan ang mga bansang USA, Singapore, Canada, Australia, at mga bansa sa Middle East.

Bukod sa mga Facebook groups, may iba’t ibang social media accounts din ang Netizen.

Netizen’s Facebook Page

Netizen on Instagram

Netizen on Youtube

Target na mai-launch ang Netizen app sa darating sa September 2021.

Netizen Products and Features

Hindi naman nalalayo ang mga features ng Netizen sa iba pang mga White-Labeled Banking Apps na kilala na natin. Pero dahil nga sa ang Netizen ay ginawa para sa mga Pinoy OFWs, may mga features ito na naka-focus sa pangangailangan ng mga Filipino abroad. Ilan sa mga halimbawa ang mga sumusunod:

Account creation gamit ang local o international mobile number

Savings account na may competitive interest rate

Remittance service na may mababang halaga ng transfer.

Money transfer sa mga local banks sa Pilipinas.

Bills and payment sa Pilipinas, gaya ng loans, utilities, contributions, insurance, at iba pa.

Cash in gamit ang Transferwise o iba’t ibang local banks

Iba’t ibang cashout options.

Ang mga features na yan ay magiging available sa phase 1 ng Netizen. Marami pang features ang madadagdag sa mga yan sa phase 2 ng Netizen. I look forward sa mga features gaya ng loans, insurance, “buy now, pay later” online shopping, virual card, physical card, investments at marami pang iba.

Ayon kay Mr. Young Paul, ang first release ng Netizen ay available pa lang sa Android. Pero hindi naman kailangang maghintay ng matagal ng mga iOS users dahil magiging available din ang app para sa kanila kasabay ng phase 2 bago matapos ang taon.

To know more about Netizen, you can visit any of their social media accounts na nabanggit natin or you can just visit their official website: https://www.netizen-bank.com/.

The post Netizen: Ang White-Labeled Banking App Para sa Mga Pinoy OFW appeared first on Pera Thoughts.

Plus 1% Ipon Challenge
Sabi nila, mahirap daw mag-ipon, dahil mahirap ma-develop yung habit ng pag-iipon. Well, mahirap nga naman siguro sa simula, pero kapag nakasanayan ay nagiging madali na. Meron din namang magaling lang sa simula pero hindi nagiging consistent kaya wala pa rin napapala sa bandang huli.

Sa post na ito, gusto ko lang i-share kung paano ako nakapag-develop ng habit sa pag-iipon. Sa ngayon kasi ay nakakapagtabi na ako ng 15% ng aking income, consistently. Walang palya.

Tinawag ko itong Plus 1% Ipon Challenge. Nabasa ko lang itong technique na ito sa isang blog pero, unfortunately, di ko na matandaan kung saang blog ko nabasa at di ko na ulit mahanap. Pero nilagyan ko ng twist ang challenge na ito.

Simulan natin.

Sa challenge na ito, kailangan mong mag-set ng goal. At ang goal dito ay hindi exact amount, kundi percentage of income. Karamihan kasi sa mga ipon challenge ay exact amount ang goal or target. Nasubukan ko na ang ganunpero hindi naging effective sa akin. Kung effective iyon sa inyo, e di good. Pero pwede niyo ring subukan ito.

#1 GOAL

So, ilang percent ng sweldo mo ang nais mong mai-save?

Nang simulan ko ang challenge na ito, 10% ang first goal ko. Then after few months, naisip ko na kaya ko pang taasan. Kaya ginawa kong 15%. Balak ko pang taasan yan ngayon to 20% or up to 50% nga sana.

Kung ikaw ay minimun wage earner, I suggest na simulan mo sa 10%. O kahit 5% lang. Ang goal natin dito ay makapag-ipon ka at ma-develop ang habit sa pag-iipon. Kung dati ay palaging wala kang ipon, ngayon ay sisiguraduhin nating makakaipon ka na.

GOAL: 10%

#2 INCOME

Sunod na kailangan ay ang paglilista ng income o sweldo mo. Effective ito kung kinsenas-katapusan ang sweldo mo. Mas mabilis made-develop yung ipon habit mo.

Basta kailangan mo lang ilista ang sweldo mo. Malaki man yan o maliit. Basta ilista mo nang tapat. Kasi kung dadayain mo, sarili mo lang din naman ang lolokohin mo.

Ang dalawang yan lang ang kailangan mong mailista sa challenge na ito. GOAL at INCOME.

Paano gawin ang Plus 1% Ipon Challenge?

Tignan ang example:

Plus 1% Ipon Challenge by Pera Thoughts

Sa example, ipinagpalagay ko na lang na kumikita ka ng 7000 kada kinsenas-katapusan. Pwede mo iyang palitan kung magkano talaga ang kinita mo.

Pwede mong i-download ang spreadsheet nito.

Plus 1% Ipon Challenge by Pera Thoughts Download

Para ma-download ang File, gawin ang alinman dito:

I-click ang download link >> Click File >> Make a Copy

I-click ang download link >> Click File >> Download >> Microsoft Excel

Magsisimula ang challenge sa pamamagitan ng pagtatabi mo ng 1% ng iyong sweldo. Napakadali lang niyan. Kung dati ay wala kang natitira kahit kusing, ngayon ay siguradong meron. Kung 5000 lang ang sweldo mo, ilagay mo na 5000. At ang 1% ng 5000 at 50 pesos.

Congrats! May ipon ka nang 50 pesos!

Ano ang napatunayan mo? Sa pagtatabi ng 50 Pesos, napatunayan mo na kaya mo palang magtabi ng 1% ng iyong sweldo.

Madali lang pala magtabi ng 1% ng sweldo. Kaya sa next sweldo, dagdagan ulit natin ng 1%. So, 2% na ng sweldo ang itatabi. Then +1% ulit sa mga susunod pa. Hanggang sa maabot mo na ang goal mo. Sa example, ang goal ko ay 10%.

Mapapansin ko na nung maabot ang 10% ay huminto na ang pagdadagdag ng 1%. Naging consistent ang 10%.

Sa technique na ito, unti-unti mong masasanay ang sarili mo sa pag-iipon. Hindi ka mabibigla. Mapapaghandaan mo pa at mabibigyan mo ang sarili mo ng pagkakataon na magbawas ng gastusin.

So, i-download mo na ang spreadsheet. It’s FREE!

Ang kailangan mo lang palitan ay yung GOAL at yung mga sweldo. Yung iba, naka-formula na.

Good luck sa challenge!

The post Plus 1% Ipon Challenge appeared first on Pera Thoughts.

Bakit Hindi Makaipon Kahit Tumataas Naman Ang Sweldo?
Isa ito sa mga ipinagtataka ko noon. Yung tumataas ang sweldo, pero hindi naman makaipon. And I’m sure hindi lang ako ang ganito. Maraming makaka-relate.

So, bakit nga ba hindi makaipon kahit na tumataas naman ang sweldo?

#1 Pagtaas ng presyo ng mga bilihin o inflation

Ito naman talaga ang una nating sisisihin, di ba? Kesyo yung dagdag sa sweldo ay kulang pa kung ikukumpara sa nadagdag sa presyo ng bilihin. Pwedeng tama, pero hindi iyan palaging tama. Kasi, may mga nakilala ako na ganyan ang dahilan kung bakit hindi makaipon. Pero palagi namang nasa mall at namimili ng kung anu-ano.

#2 Pagtaas ng antas ng pamumuhay

Upgrade! Syempre, may dagdag sweldo kaya ang nasa isip ay mag-level up din dapat ang pamumuhay. Hindi naman iyan masama. Kasi kaya ka nga nagtatrabaho para umangat ang antas ng iyong pamumuhay, di ba? Pero dapat naman siguro ay mag limit. Halimbawa, nagkaroon ka ng increase sa sweldo ng 10%. Huwag naman sanang ubusin mo ang 10% na iyon para sa pag-level up ng antas ng pamumuhay mo. Pwede naman na 5% lang. Level up pa rin naman yun, di ba?

#3 Luho

Lahat tayo ay may luho. Aminin natin iyan. Mayroon tayong pinagkakagastusan na kung iisipin natin ay wala naman kwenta pero gusto pa rin nating bilihin. Halimbawa na lamang ay mga collection ng mga laruan o kahit na anong bagay. Para sa iba, walang kwenta yan. Pero para sa nagko-collection, isa yan sa nakakapagbigay ng saya.

Masama ba yan? Hindi. Pero gaya sa nabanggit na kanina, dapat ay may limitasyon. Kung hindi maiiwasan, isama sa budget. Syempre, dapat ay ipon muna bago luho.

#4 Bisyo

Walang ipon ang karamihan sa mga Pilipino dahil may bisyo. Ang masama pa niyan, hindi lang iisa ang bisyo ng ibang tao. Yung iba, dalawang bisyo o higit pa. Magkakaiba rin ang presyo ng mga bisyong yan. Pero ang lahat ng bisyo na yan ay walang ibang ginagawa kundi ubusin ang iyong pera. Pwedeng sa una ay nagiging masaya ka o napapasaya ka ng bisyo mo. Pero kalaunan, mari-realized mo na lang na sinisira na pala nito ang buhay mo. Maswerte ka kung ma-realized mo agad ang bagay na yan. Dahil kung hindi, habang-buhay mo na iyang dadalahin.

#5 Wala silang Goal.

Ito naman ay para doon sa mga taong may pangarap sa buhay pero puro pangarap lang. Walang Goal. At dahil sa walang goal, wala ring action. Gaya dapat ay may goal. At para makaipon, dapat ay may financial goal o ipon goal.

#6 Napapaligiran sila ng mga magagastos.

Isa ito sa pinakamahirap na ma-overcome, peer pressure. Yung kahit todo tipid ka, tapos napapaligiran ka ng mga magagastos. Napakahirap. Kaya bilib ako sa mga taong kayang paglabanan ang mga ganyang klase ng pressure. Mas bilib pa ako sa mga taong kaya namang impluwensyahan yung mga magagastos para maging matipid.

#7 Maraming bayarin.

Hindi naman tayo nauubusan ng bayarin. Parami nang parami yan kung hindi natin pipigilan. Isama na diyan ang utang. Yung iba, umiikot na lang ang mundo sa pagtatrabaho para makabayad ng utang. Pero hindi pa rin maubos ang kanilang utang.

Bakit?

Kasi nagiging cycle na. Trabaho >> Sweldo >> Bayad Utang >> Mangungutang para may pang gastos >> Trabaho. Kaya hangga’t nariyan ang utang, mahirap talagang makaipon. Good thing, may mga easy steps naman para makawala sa utang. Check this link if gusto mo talagang makawala na sa mga utang mo:

>> Basahin: Easy Steps Para Makawala sa Utang

#8 Hindi uso.

Karamihan kasi sa mga Pilipino ay nakikisabay sa uso. At ang uso ay ang gumastos. Hindi uso ang mag-ipon kaya hindi rin sila nag-iipon. Kaya kami, pinipilit naming pausuhin ang pag-iipon para makasabay naman ang ibang mga nakikiuso. Chos!

#9 Wala o Kulang sa Financial Education.

Kahit kasi malaki ang sweldo ng isang tao, kung hindi naman niya alam kung paano hawakan nang maayos ang kanyang pera, mabilis lang din iyang mauubos. Nangyayari ito sa totoong buhay. Marami ang nagkakaroon ng milyon pero makalipas ang ilang buwan, mahirap na ulit. At ang masaklap pa diyan ay nagkakautang pa. Kaya naman napakahalagang magkaroon ng financial education.

Hindi naman kailangang gumastos nang malaki para magkaroon ng financial education. Magbasa lamang ng mga libro ay marami nang matututunan. Ang hirap din kasi sa iba ay gustong matuto pero ayaw naman magbasa. May solusyon naman. Marami na rin ngayong videos na nagtuturo ng mga bagay na may kinalaman sa pera.

Madami pang dahilan yan. Sabi nga sa kasabihan natin, “… Kapag ayaw, maraming dahilan.” Kaya naman, hangga’t ayaw mong mag-ipon, dadami nang dadami yang mga dahilan na yan para lang hindi ka makaipon. Pero kapag nag-decide ka naman na mag-iipon ka na at gustong gusto mo na, syempre, diyan naman papasok yung kalahati ng kasabihan natin, “Kung gusto, may paraan.”

Ang tanong, handa ka bang gumawa ng paraan?

So, what do you have in mind? Ano’ng mga paraan kaya ang gagawin mo para makapagsimula ka nang makapag-ipon?

The post Bakit Hindi Makaipon Kahit Tumataas Naman Ang Sweldo? appeared first on Pera Thoughts.

Easy Steps Para Makawala sa Utang
May utang ka, at kaya ka narito sa article na ito ay gusto mong mabawasan at tuluyan nang maubos ang iyong utang. Tama ba?

Well,  CONGRATULATIONS! Dahil nag-decide kang makaahon mula sa iyong  pagkakautang. Hindi ka kasi kagaya ng iba na hahayaan na lang na mabaon  sa limot ang utang nila. May intensyon kang magbayad. Yun nga lang,  siguro, patuloy ang pagdating ng mga pagsubok sa iyo kaya nahihirapan  kang magbayad. At, marahil ay nalugmok ka lang sa sitwasyon na hindi mo  na alam ang dapat mong unahin sa dami na rin ng bayarin.

Don’t  worry! Wag kang mag-alala. May mga tips dito na makakatulong sa iyo.  Pero bago ko simulan at bago ka magpatuloy, i-set muna natin ang  expectation mo.

Kapag nabasa mo ito, huwag mong i-expect na sa isang iglap ay mauubos ang utang mo. Hindi magic ang article na ito.

Ang  mababasa mo dito ay tips lang or payo. Pwede mong gawin, pwedeng hindi.  Kapag ginawa mo, mataas ang chance na makakabayad ka sa mga utang mo  kahit pakonti-konti. Pero kung hindi mo naman gagawin, huwag kang  mag-expect na may mangyayari. Action is needed.

So, simulan na natin.

#1 Decide

Actually,  nasimulan mo na ito nung mag-decide ka sa sarili mo na magbabayad ka ng  utang. Yan naman kasi ang kailangang unang mangyari talaga. Kasi kung  hindi ka magde-decide, wala din. So, dito sa part na ito, mag-decide ka  na gagawin mo ito. Hindi yung ningas-kugon ka o sa umpisa lang magaling.

#2 Stop

STOP!  As in stop mo na ang pangungutang. Lubog ka na sa utang, huwag mo nang  dagdagan pa. Hindi mo mapapalaya ang sarili mo sa utang kapag ganyan.  Parang ililipat mo lang ang sarili mo sa ibang kulungan. Pero pareho pa  rin iyang kulungan. Technique kasi ng iba ay mangungutang sa ibang tao o  kaya sa ibang institusyon na nagpapautang para makapagbayad sa mga  nautang pagkakautang. Mas mabuti kung stop na lang. Kung may credit card  ka, huwag mo nang gamitin. Hindi yan instant pera, utang yan.

Basta  kahit na ano pa man, huwag mo nang dagdagan pa ang iyong utang. STOP  na. No excuses. Tama na ang pagbubutas sa sarili mong bulsa. Oras na  para tahiin o tapalan mo ang mga tagas na umuubos sa pera na gastusin mo  sa pang araw-araw.

#3 Locate

Kailangan mong i-locate o alamin kung nasaan ka. Hindi ito pisikal na location mo, pero pwede nating ihalintulad.

Ito  kasing sitwasyon mo na nalubog ka sa utang ay parang isang unfamiliar  place para sa iyo. Kumbaga, para kang naliligaw. Alam mo kung saan mo  gustong magpunta pero hindi mo alam ang daan. Gusto mong makalabas pero  hindi mo alam kung paano. Kaya naman, kung gusto mong makalabas,  kailangan mo munang malaman kung nasaan ka. Magagawa mo yan sa pamamagitan ng paglilista. This may sound boring o kaya ay old school para sa iyo pero think of it as ito yung magiging mapa mo, or compass, or GPS.

Ilista  mo ang lahat ng iyong pagkakautang at iyong pinagkakautangan. Gumamit  ka ng notebook kung kailangan. O kaya mag-download ka ng Google Sheets  (pwede sa web, pwede sa Android, pwede sa iOS) at doon mo ilista lahat. Kumpleto dapat. May interes man o wala. Isama  mo sa lista ang principal amount at ang interes kung meron man at  minimum payment.

Ilista  mo ang lahat ng iyong pinagkakagastusan. LAHAT! Kahit barya pa yan.  Huwag mong lokohin ang sarili mo sa part na ito. Huwag mong palampasin  kahit baryang may napakaliit na halaga.

Ilista mo ang lahat ng iyong pinagkakakitaan – sweldo, raket, negosyo. Ilista mo lahat. Bawal ang kupit.

Yan!  Ngayon alam mo na kung nasaan ka. Alam mong marami kang utang. Alam  mong marami kang bayarin at pinagkakagastusan. Alam mong kulang ang  iyong kinikita. Ngayon, paano ka makakalabas?

#4 Breath. Inhale. Exhale.

Alam  mong nakaka-stress yang makita at mag-isip kung paano ka makakaahon sa  utang. Mahirap talaga lalo ka kung marami kang utang. Isama mo pa ang  kabi-kabilang bayarin at ang kulang na kinikita para mabayaran ang  lahat. Pero kailangan mo kasi ng focus sa goal mo. Huwag kang tumingin  sa kung magkano ang utang mo lang. Huwag kang tumingin sa kung magkano  ang mga bayarin mo lang. At huwag kang tumingin sa kakulangan ng  kinikita mo lang. Tumingin ka sa goal mo. At yun ay ang makalabas at  makalaya sa utang.

Ang part na ito ay more on motivation. Inhale, exhale. Sabihin mo sa sarili mo na kaya mong harapin ang mga pagsubok na yan.

#5 Prioritize and Take Control

Ngayong  nakapag-relax ka na, hindi na nakaka-overwhelmed ang mga pagsubok. At  sa pagkakataong ito ay malinaw na sa iyo kung nasaan ka. Alam mo kung  magkano ang pumapasok na pera, alam mo kung magkano ang lumalabas. So,  ang kailangan mong gawin ngayon ay ang mag-PRIORITIZE para ma-gain mo yung CONTROL.

Gastusin

Yung listahan mo ng mga gastusin ang unahin mo. Tignan mo yang maigi. Pagnilayan mo. Tapos, tanungin mo ang sarili mo, “Alin dito ang mga dapat kong unang bigyan ng pansin? Alin dito ang PRIORITY ko?”

Syempre, PRIORITY mo ang pagkain, tirahan, tubig, kuryente, pamasahe. Other than those, alin pa? Milk tea? Pagkain/inumin yan pero dapat mo ba yang i-priority? Kung may bisyo ka, uunahin mo pa ba yun?

After mong mai-set ang iyong mga PRIORITY, alisin mo muna yung mga hindi dapat i-priority. As is huwag mo munang gastusan. O kung hindi naman pwedeng alisin sa gastusin, bawasan mo nang kalahati. Kung dati ay ₱ 1000 ang gastos mo sa load, gawin mong ₱ 500. Magkano kaya ang matitipid mo kapag ginawa mo yan? Ikaw lang ang makakaalam niyan. At ulitin ko lang ha?

Be honest on yourself. Huwag mong lokohin ang sarili mo. Kung hindi mo naman talaga at sobrang kailangan, huwag mong ipilit na kailanganin. Ang goal mo ay makawala sa utang, makabayad sa utang, hindi ang magpakasaya. Hindi ko sinabing malungkot ka ha? Maging masaya ka at positibo. At pwede mong gawin yan nang hindi gumagastos.

Utang

Ngayon, doon naman tayo sa listahan ng iyong mga utang. Syempre, kung isa lang naman ang pinagkakautangan mo ay hindi mo na kailangan itong part na ito. Pero kung marami kang pinagkakautangan, kailangang kailangan mo ito. Gagawa ka dito ng dalawang listahan.

Listahan ng Utang “A” (Debt Avalanche)

Dito sa listahan na ito, pagsunod-sunurin mo ang mga utang mo base sa laki ng interest, mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit. Debt avalanche ang tawag sa technique ng pagbabayad na ito.

Ang interest ang nagpapabigat sa mga binabayarang utang. Sa technique na ito, mas makakatipid ka at mas mabilis mong mababayaran ang iyong mga utang dahil target mo dito ay maubos kaagad ang utang na may pinakamataas na interest.

Listahan ng Utang “B” (Debt Snowball)

Dito naman sa listahan na ito, i-sort mo ang iyong mga utang base sa halaga. Mula naman ito sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking halaga. Hindi mo papansinin ang interest sa technique na ito.

Ang goal ng technique na ito ay ang mabawasan ang stress mo sa pagbabayad ng utang at magkaroon ng motivation. Uunahin mong ubusin ang pinakamaliit mong utang habang babayaran mo ng minimum ang iba.

Sa technique na ito, makikita mong mas mabilis mauubos ang nasa listahan mo ng mga utang. At sa utak mo ay magiging motivation iyon. Iba kasi sa feeling yung may nabura kang utang sa listahan. Mas magaan sa paghinga.

#6 Additional Income

Matapos mong gawin ang mga listahan ng priorities mo, baka ma-realize mo na kahit bali-biligtarin mo ang listahan ay wala ka pa ring magagawa kasi kulang ang kinikita mo. Kahit na bawasan mo ang gastos mo ay kulang pa rin. No choice ka na kundi humanap ng additional source of income. Dagdag income ha? Hindi dagdag utang.

Sa pagkakataong ito, bawal magdahilan. Lalo na kung ang idadahilan mo ay wala kang extra “time”.

Pareho lang ito sa ginawa natin kanina, yung pagpili ng priority. Uunahin mo ba ang gumala kesa sa humanap ng pagkakakitaan? Uunahin mo ba ang mga party at inuman kesa rumaket? It’s up to you.

#7 Take Action and Change Yourself

Nabanggit ko na kanina na ang mga ito ay tips lang, payo lang. Hindi mauubos ang utang mo kapag natapos mo na itong basahin. Makakawala ka lang sa utang mo kapag kumilos ka, kapag umaksyon ka. Okay lang naman na parang isang Action Star ka na dehado sa umpisa kahit hirap kang magbayad ng utang pero mananalo ka sa bandang huli at makakawala na sa mga utang mo.

Change yourself. Walang magbabago sa sitwasyon mo kung ikaw mismo ay hindi magbabago. Tigilan mo yang mga quotes na nagsasabi na “just be yourself”. Bakit? Kasi, d’yan sa “just be yourself” na yan ka nalubog sa utang. Yan pa rin ba ang gusto mo? Kung hindi, then change yourself. Change your lifestyle.

Alam mo ba yung minimalism or minimalist lifestyle? Ito ay isang uri ng lifestyle na ang gamit mo lang ay yung mga totoong kailangan mo. Mukhang boring, pero maniwala ka, mali ka d’yan. Hindi ko sinasabing maging minimalist ka. Binibigyan lang kita ng option.

Para magkaroon ka ng idea, you can watch this documentary sa Netflix >> Minimalism: A Documentary About the Important Things. Personal favorite ko ito. Ilang beses ko na ring napanood at patuloy kong gugustuhing panoorin kapag kailangan ko ng motivation.

Meron din akong review ng isang e-book tungkol sa isang Filipino Milimalist, si Darrah. If you need to learn more about minimalism, or gusto mong malaman ang buhay ng isang Pinay na minimalist, get a copy of her e-book. You can read my review here >> Juanderfulife: Minimalism for Pinoys (REVIEW).

#8 Be Consistent

Nabanggit ko na nga rin kanina, huwag kang ningas-kugon. Huwag pakitang-tao. Huwag sa umpisa lang magaling. Be consistent. Marami ang nagsasabi na “Consistency is the Key”. Naniniwala ako d’yan.

Napahaba na ang post ko. Dito ko na ito puputulin. Sana ay may napulot ka dito. For sure naman na makakatulong ito para makabayad ka na at makawala sa mga utang mo.

The post Easy Steps Para Makawala sa Utang appeared first on Pera Thoughts.

Mas Maraming Pinoy na ang may Deposit Accounts
Matagal nang may bangko sa Pilipinas pero kakaunti lang na Pilipino ang mayroong deposit accounts. Sa makatuwid, kakaunti lang na Pinoy ang nag-iipon.

Pero ayon sa State of Financial Inclusion in the Philippines report, may 6.8% increase ang bilang ng mga Pinoy na may deposit accounts. Good news na ito at nagiging matagumpay ang panghihikayat sa mga Pinoy na mag-ipon.

Slowly but surely, unti-unti nang nauunawaan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkakaroon ng deposit accounts at pag-iipon. So, hindi lang puro payroll accounts lang ang meron sa mga Pinoy.

Ako kasi, aminado ako na noon ay puro payroll accounts lang ang mayroon ako. Nagkakaroon din naman ako ng deposit accounts pero never kong na-maintain. Ngayon, at least name-maintain ko na. Inspirasyon at disiplina lang pala ang kailangan.

Ayon pa sa report, nakatulong ang pagkakaroon ng mga branch-lite units ang mga bangko na nagbubukas sa malalayong lugar. Kumbaga, bangko na ang lumalapit sa atin. Which is nakitaan naman ng positive na impact. Sana nga ay magtuloy-tuloy ito at maging simula ng pagkamulat ng mga Pilipino sa mga financial-related na mga bagay.

Ikaw? Ano’ng bank mo?

The post Mas Maraming Pinoy na ang may Deposit Accounts appeared first on Pera Thoughts.

Bakit Maraming Pinoy ang Hindi Nag-iipon?
Nakakatawang isipin pero isa itong katotohanan. Na marami namang mga Pinoy ang naniniwala na kailangang mag-ipon para sa kinabikasan, pero marami rin ang hindi nag-iipon.

Ayon sa isang survey na isinagawa noong 2014 ng Bangko Sentral ng Pilipinas, isa lang sa kada apat na Pilipino ang nag-iipon o ang mayroong ipon.

Ibig sabihin, sa panahon ng kagipitan, mas maraming Pilipino ang mahihirapang makaahon. Kung sakaling maoospital, karamihan ay aasa sa kung ano lang na kayang ibigay ng gobyerno. At kung hindi matugunan ng gobyerno, wala nang magagawa kundi ang mangutang. Mas lalo nang hindi makakaipon.

Marami pang mga dahilan kung bakit hindi nag-iipon ang mga Pinoy. Isa-isahin natin:

#1 Kakaunti ang kinikita

Isa sa mga dahilan ay ang kakapiranggot na kita. Marami ang tinatawag na underpaid. Sila iyong mga tinatanggap na lang ang kahit na anong trabaho kahit na maliit lang ang sweldo para lang may maipakain sa pamilya. Hindi natin masisisi. Pero ang solusyon talaga dito ay maghanap pa ng iba pang pagkakakitaan. Pwede kang magsimula ng isang side hustle na makakatulong sa iyo.

#2 Malaki ang gastos

May mga tao na kahit malaki ang kinikita, mas malaki pa rin ang gastos. Malamang ay dahil ito sa spending habit o kaya naman ay bisyo. Ang solusyon sa problemang ito ay pababain ang gastos. Magagawa ito sa pamamagitan ng pag-alam kung saan napupunta ang pera. Ilista ang lahat ng pinagkakagastusan, gumawa at sundin ang budget.

#3 Hindi marunong kung paano mag-ipon

Itinuturo ng ating mga magulang na tayo ay dapat mag-ipon. Naaalala ko pa nga noon na palaging bilin sa akin ni Mama na mag-ipon daw ako kasi mahirap ang walang ipon. Pero ni minsan, hindi niya itinuro sa akin kung paano mag-ipon. Sa school, hindi rin itinuturo ang tamang pag-iipon. Kaya isa rin ako sa mga talaga namang nahirapan sa pag-iipon.

Pero may good news, dahil hindi kailangan kumuha pa ng kahit na anong kurso para makapag-ipon. Ang pag-iipon ay natututunan kahit sa sariling sikap lang. Kaya naman kung ang problema ay ang kulang sa kaalaman sa pag-iipon, maraming librong pwedeng makatulong. Maraming blogs, gaya nito sa Pera Thoughts. Ugaliin lang na magbasa.

#4 Walang dahilan kung bakit kailangang mag-ipon

Bukod sa kulang sa kaalaman sa pag-iipon, marami ang hindi pa nakakakita ng dahilan kung bakit kailangang mag-ipon kaya hindi pa nakakapagsimula. Iba rin kasi yung alam mo kung bakit ka nag-iipon. May motivation kasi yun. So, humanap ka ng dahilan para mag-ipon. Mayroon kami ditong listahan ng mga bagay na dapat mong pag-ipunan, baka makatulong sa iyo ang mga ito.

#5 Walang disiplina

May mga sumusubok naman na mag-ipon pero kadalasan ay sa simula lang magaling. Ningas-kugon. Kumbaga, walang disiplina kaya hindi rin maipagpatuloy ang pag-iipon. Ang solusyon naman dito ay i-build ang disiplina. Maraming pwedeng gawin. Pwedeng sumali sa mga ipon challenge. May weekly, may monthly at may yearly. Marami akong kakilala na na-build ang habit sa pag-iipon dahil sa mga ipon challenge.

#6 Baon sa utang

Ito na nga ang masaklap. Nalubog na sa utang kaya hindi na makaipon. Ang lahat ng kinikita ay napupunta na lang sa pambayad ng utang, tapos ay mangungutang ulit para mapunan naman ang pangangailangan. Napakahirap.

Bakit ko alam? Kasi naransan namin. At ang masasabi ko ay may pag-asa pa. Ang solusyon dito ay iba pang source of income at matindihang pagtitipid, disiplina. Syempre, huwag nang dagdagan ang utang. O kung hindi maiiwasa, pumili ng mas mababa ang interes. Matagal makaahon pero makakaahon pa rin.

#7 Matanda na para mag-ipon

Ang pag-iipon ay mas okay kung sisimulan habang mas bata pa. Pero hindi naman ibig sabihin nito na kapag mas may edad ka na ay hindi ka na mag-iipon. Ako nga, 30 na nang magsimulang mag-ipon. May asawa na at anak pero wala pang ipon. Pero dahil sa na-realize ko ang kahalagahan ng pag-iipon, nag-ipon pa rin ako. Pinagsisisihan ko na hindi ako nag-ipon noong nasa early 20s pa lang ako kahit na kaya ko namang mag-ipon. Pero walang magagawa kaya move on na lang. Ang mahalaga ay nakakapag-ipon na sa ngayon.

Yan ang mga dahilan kung bakit maraming Pinoy ang hindi nakakapag-ipon. Pero lahat naman ng dahilan na iyan ay sinamahan natin ng solusyon. Kaya kung ikaw ay wala pa ring ipon, maipapayo namin na simulan mo na.

The post Bakit Maraming Pinoy ang Hindi Nag-iipon? appeared first on Pera Thoughts.

May Emergency Fund Ka Ba?
Ang emergency fund ay perang naitabi mo para magamit sa mga panahon ng emergency o kagipitan. Pwede mo itong gamitin kung sakaling magkakaroon ng biglaang pagkakasakit at pambayad sa ospital o kaya naman ay pondo mo kung sakaling mawalan ka ng pagkakakitaan o iba pang emergency situations. So, ang tanong, may emergency fund ka ba?

Hindi mo alam kung anong klaseng emergency ang pwedeng dumating sa buhay mo. Pwedeng malala, pwede rin namang wala. Kaya naman mas makabubuting paghandaan na lang para hindi maubusan. Alam mo na.

Kailangan ba talaga ang emergency fund?

Para sa akin, oo. Hindi dahil nag-e-expect ako ng emergency ha? At hindi rin dahil sa sinabi ng ibang eksperto. Pero dahil sa alam ko at naranasan ko nang maipit sa emergency nang walang pera. At ang naging resulta ay utang.

Bukod sa luho, pangunahing dahilan ng pagkalubog sa utang ay ang mga biglaang emergency. Halimbawa na lamang ay ang biglaang pagsasara ng isang kumpanya. Kung sakaling wala kang emergency fund, gaano ka katagal makaka-survive o makakahanap ulit ng trabaho?

So, mahalagang may emergency fund.

Magkano dapat ang emergency fund?

Syempre, mahirap naman biglain ang pagkakaroon ng emergency fund. Kailangan mo itong i-build. Nasa iyo na lang kung gaano katagal mo ito bubunuin. Pero, syempre, mas mabilis, mas okay. Kasi hindi mo nga alam kung kailan dadating ang emergency, kaya kailangan mong bilisan.

#1 Alamin ang gastos

Una sa lahat, dapat ay alam mo kung magkano ang gastos mo. Wala ka munang gagawin kundi kilalanin mo ang sarili mong paggastos. Ito ang magiging basehan ng magiging emergency fund mo. So, kumuha ka ng papel o notebook at ilista mo lahat – daily, weekly, monthly. Masyadong oldschool yata yung papel at notebook. Sige, gamit ka na lang ng kahit na anong app. Kahit spreadsheet app lang ay okay na.

[Total Monthly Gastos] = _________

#2 Multiply

Kapag alam mo na kung magkano ang iyong gastos, i-MULTIPLY mo ito ng 6. Bakit 6? Palagay ko naman ay safe na yung 6 months na may panggastos ka kung sakaling magkakaroon ng emergency. Pero nasa iyo na yan. Pwede mong palitan iyang 6 na iyan. Pwede mo gawing mas mababa o mas mataas. Mas mataas, mas okay. Pero alalahanin din na hindi lang naman emergency ang kailangang pag-ipunan.

Kung magastos ka, malaki ang kailangang emergency fund mo. Kung hindi ka naman gastador, makaka-survive ka kahit sa maliit na emergency fund.

[Total Monthly Gastos] x [Multiplier] = [Emergency Fund]

₱15,000 x 6 = ₱90,000

#3 Planuhin

Planuhin mo kung paano mo mapupuno ang emergency fund mo. Magkano ang ilalaan mo dito kada sweldo?

Sabi ko nga, mas mabilis na mapupuno ang emergency fund, mas mabuti. So mas mabuti na paglaanan mo ng malaking halaga kada sweldo para mapuno mo agad.

[Emergency Fund] / [Monthly Allocation] = [Time to Complete]

₱90,000 / ₱1,000 = 90 months

₱90,000 / ₱3,000 = 30 months

#4 Simulan

Sundin mo ang ginawa mong plano. Ikaw ang gumawa ng sarili mong plano kaya huwag mong lokohin ang sarili mo. Kapag sinabi mong magtatabi ka ng ₱3,000 kada buwan para sa emergency fund, gawin mo.

Maipapayo ko na ilagay mo ang emergency fund mo sa banko. Mahalaga kasi na accessible sa iyo ang pera sa panahon ng emergency. Mas safe sa banko kesa sa alkansya.

May emergency fund na ako, kailangan ko pa ba ng insurance?

Oo naman! Kayang i-cover ng emergency fund ang mga gastusin mo sa mga emergency situations. Pero sa insurance, mas may laban ka. Protektado ang income mo talaga. Kailangan ito lalong lalo ka kung may sariling pamilya ka na kasi hindi lang pansariling gastos ang iisipin mo kundi pati gastusin ng buong pamilya. Kung kailangan mo ng advice tungkol sa insurance, pwede kang mag-sign up gamit ang form na ito >> .

Hindi madaling bunuin ang pagkakaroon ng emergency fund. Pero kapag nakumpleto mo ang goal mo, malaking tulong at mas makakahinga ka ng maluwag dahil alam mong kahit may darating ma problema, nakahanda ka.

The post May Emergency Fund Ka Ba? appeared first on Pera Thoughts.

Mga Bagay Na Dapat Mong Pag-ipunan
Lahat tayo ay may iba’t ibang bagay na gustong pag-ipunan. May mga bagay na gusto nating bilihin o makamit sa pamamagitan ng pera. Pero mayroong mga bagay na mahalaga ay dapat talaga nating pag-ipunan. Ang mga bagay na ito ay mas mahalagang unahin kaysa sa kung ano pa man na dapat paglaanan ng pera.

Sabi nga ng iba, mas madali raw mag-ipon kapag may pinag-iipunan. Kumbaga, nakakadagdag kasi sa motivation kapag alam mong may target ka o may goal ka. Kapag alam mo kung ano ang pinag-iipunan mo, mas ganado kang mag-ipon.

May list ako dito ng mga bagay na mahalagang unahing pag-ipunan.

Mga Bagay Na Dapat Mong Pag-ipunan

Emergency Fund

Para sa akin, pinakamahalagang unahing pag-ipunan ang emergency fund. Kumbaga, emergency fund is a must. Marami kasing mga emergency na bagay ang biglaan na lang nangyayari na mangangailangan ng pera. So, mas mabuti na mayroon kang nakahandang pera para dito.

Hindi kasama dito ang biglaan na nagkayayaan na mag-outing ang tropa ha? O kaya naman biglaan nagkaroon ng SALE ang paborito mong brand.

Magkano ba dapat ang emergency fund?

Basically, depende iyan sa kung magkano ang normal na gastos mo. Alamin natin yan sa ibang post, abangan.

Education

Dito sa Pilipinas, napakalaki ng discrimination pagdating sa education or kung ano ang natapos. May mga companies na nakatingin sa pangalan ng school at iba pa. At mahal ang mag-aral sa may pangalang School or College or University dito. As in gagastos ka nang malaki.

Ibahin na lang natin. Let’s say na learning of new skills na lang or going to skill improvement. Syempre, gastos pa rin ang resources. Pwede kang umattend ng training or mag-enroll ng online course. Syempre, gastos ulit.

Self-study? Pwede naman para makatipid. Pero gagastos ka pa rin sa resources gaya ng books, etc. Pero sabi ko nga, nakatingin sila sa diploma mo. Nakatingin sila sa certificate mo. Ija-judge ka nang hindi pa nakikita ang skills mo.

Halimbawa, sa akin na lang. Self-study lang sa personal finance. I am doing my best para maging financial literate. Ang mga resources ko ay mga books, online cources, groups. Tapos nagsimula ako ng blog about personal finance? Hindi ko lalahatin pero mayroon dyan na magsasabi na “Bakit ba ako maniniwala sa taong ito e wala naman itong formal education about finance?”

Kaya naman, in the future, may plan din naman ako na mag-try makakuha ng certification. Hindi pa lang sa ngayon as of writing this.

Magsimula ng Business

Isa sa mga pinag-iipunan ng karamihang gustong makawala sa pagiging empleyado ay ang puhunan para makapagnegosyo. Either makawala nga sa pagiging empleyado or part-time negosyante. May pandagdag man lang sa kinikita.

Investment

Bukod naman sa negosyo, para mapalago ang pera, nag-iipon ang iba para makapag-invest. Mas maagang pagsisimula sa pag-i-invest, mas mabuti dahil mas malaki ang magiging pera mo. Sabi nga nila, pagdating sa investment, hindi mo talagang kakampi ang malaking halaga. Dahil mas kakampi mo ang oras o panahon.

Nanghihinayang nga ako e. Natutunan ko lang ang mga bagay tungkol sa investment ngayong nasa trenta na ako. Akala ko kasi noon ay ang pag-i-invest ay para lang sa mga mapepera. Mali pala. Kahit maliit na halaga lang pala ay pwedeng i-invest.

Kung interesado kang mag-invest, pwede ka naming tulungan. Sign up ka lang gamit ang form dito >> . Then kontakin ka namin.

Insurance

Marami ang hindi nakaka-appreciate sa insurance kasi inaakala ng iba na para bang pinaghahandaan na kaagad ang kamatayan. Ganito rin ang pananaw ko noon. Well, pwedeng tama. Pero hindi naman ibig sabihin na kailangan mong patayin ang sarili mo. Kumbaga, sinisigurado mo lang na okay ang iyong mga iiwanan.

Kadalasan naman sa iniisip ng iba ay paano naman kung walang nangyaring hindi maganda? May mga insurance naman na may living benefits. May makukuha ka kung sakaling walang nangyari sa iyo. Ito yung tinatawag nilang VUL o Variable Universal Life Insurance. Habang insured ka, nag-i-invest ka na rin. Pwede kang mag-inquire sa amin tungkol sa VUL kung gusto mo. Or pwede mo rin gamitin ang form na ito >> , then kami ang kokontak sa iyo.

Sariling Bahay

Nakakasawang mangupahan, sa totoo lang. Kahit sabihin ng mga eksperto na hindi magandang investment ang bahay ay okay lang. Iba pa rin kasi yung may sarili kang bahay. Iba yung freedom. Hindi mahalaga ang malaking bahay. Sapat na yung maliit at simple. Pero kung nangangarap ka ng malaking bahay, wala naman masama doon. Basta may pera ka at hindi ka malulubog sa utang.

Vacation or travel

Sino bang ayaw mag-travel? Or sino bang ayaw magbakasyon? Di ba ang sarap magpunta sa lugar na may magandang view at nakaka-relax? Pero mas masarap sana yan kung may pera ka. Yung tipong hindi ka na mangungutang para lang makapag-travel o makapagbakasyon. Mahirap naman yung nag-travel ka nga at nagbakasyon, pero pagbalik mo, problema mo naman ang pagbabayad ng utang.

Financial Freedom

This is my ultimate goal. Malamang kayo rin. Sino ba naman ang may ayaw na umabot sa state na hindi mo na poproblemahin ang kawalan ng pera? O yung tipong hindi mo na kailangan ng pera kasi alam mong sapat na. Hindi sapat ang pag-iipon lang para makamit ang financial freedom. Kailangan ay may iba pang source of income at nag-i-invest din.

Retirement

Kasama na sa financial freedom ang retirement. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na magtatrabaho pa kapag matanda na ako. Napakahirap ng ganoon. Mahirap din naman umasa sa mga anak. At sabi nga, huwag na huwag gagawing retirement plan ang mga anak.

Lahat tayo ay papunta sa pagtanda. Ayoko naman na kapag matanda na ako ay pagsisisihan ko ang hindi paghahanda para sa retirement.

Ikaw? May iba ka pa bang mahalagang pinag-iipunan?

“A prudent person foresees danger and takes precautions. The simpleton goes blindly on and suffers the consequences.” —Proverbs 27:12, NLT.

The post Mga Bagay Na Dapat Mong Pag-ipunan appeared first on Pera Thoughts.